ROSE
Nakatulala ako sa kisame kinaumagahan at inisip kung anong gagawin ko ngayong araw. Parang nawalan na ako ng gana para ituloy ang aking pagsusulat ng script para sa isang romantic love story. Naalala ko lang kasi ang mga masasakit na salita na sinabi sa akin ni Erik. Sa gitna ng aking pag-iisip, may biglang kumatok sa pinto.
"Anak?" Tawag sa akin ni Tita Gina. "May bisita ka sa labas."
"Sino daw po?" Walang buhay kong sagot kay Tita Gina.
"Ayaw niya munang ipasabi sa 'yo," sagot ni Tita Gina. "Puntahan mo na lang daw siya sa gate."
Napakunot-noo ako. Sino naman kaya ang bibisita sa akin nang ganito kaaga?
"Ang aga naman niyang taong 'yan," sabi ko kay Tita Gina habang ibinangon ko ang aking sarili mula sa kama. "Sige, bababa po ako."
"Okay." Narinig kong bumaba na ng hagdan si Tita Gina.
Naghilamos muna ako sa banyo para hindi ako magmukhang bagong gising. Habang nagsisipilyo ako, bigla akong may narinig na lalaking kumakanta mula sa labas ng aming bahay.
I can be tough, I can be strong
But with you, it's not like that all
There's a guy that gives a shit
Behind this wall, you've just walked through it
Nagtaka ako nang narinig ko iyon. Mabilis kong tinapos ko ang aking pagsipilyo. Pumunta ako sa bintana para tingnan kung sino ang kumakanta. Ngunit, hindi ko makita kasi may nakaharang na puno sa tapat ng gate namin.
All those crazy things I said
You left them running through your head
You're always there, you're everywhere
But right now I wish you were here
Napagtanto ko na pamilyar ang boses ng lalaking iyon. Lumabas ako ng kuwarto at bumaba sa aming sala kahit nakapantulog pa rin. Dumiretso ako sa gate naming at nakita na naroon sina Tita Gina, Romeo at Racky. Mukha silang natutuwa sa tinitingnan nila sa labas ng gate.
"Tita Gina, sino ba 'yang—"
Hindi ko natapos ang tanong ko kay Tita Gina nang makita ang lalaking kumakanta. Napatulala ako. Hawak niya ang kanyang gitara na siyang nagtutugtog nito. Nagmukha siyan acoustic rockstar dahil may suot siya na leather jacket. Lumabas ang matingkad na ngiti mula sa mukha ni Erik at itinuloy ang pagkanta. Actually, pagharana.
Damn, damn, damn
What would I do to have you
Near, near, near
I wish you were here
Nakalibot kay Erik ang halos kalahati ng aming mga kabarangay na kilig na kilig siyang pinapanood na kumanta. May isang grupo pa ng mga kababaihan na nagtitilian at may hawak na Metro magazine kung saan si Erik ang nasa front cover. May mga nakalabas ang cellphone, tablet at phablet at kinukunan ng video si Erik habang kumakanta.
Tiningnan ko si Erik. Panay naman ang ngiti niya sa akin. Alam ba niya na kahinaan ko ang kanyang matingkad na ngiti? Pinigilan ko ang aking sarili na kiligin. Siyempre, wala naman sigurong babae ang hindi kikiligin kung may isang guwapong lalaki na tulad ni Erik ang biglang haranahan ka sa harap ng maraming tao. Oo, okay na sa akin ang simple lang pero dahil first time ko ito, mapipigilan ko pa kaya ang kilig na dumadaloy sa aking katawan. Kinagat ko ang aking mga labi para hindi lumabas ang isang ngiti.

BINABASA MO ANG
Scripted Relationship
RandomGusto ni Rosalinda Mercedes Mendoza a.k.a. Rose na maging isang scriptwriter para sa pelikula. Kaya nagpasya siyang magsulat ng isang romantic love story as a start. Ngunit, may isa siyang problema: Never pa siyang nagkaroon ng boyfriend! Paano siya...