Chapter 33

255 2 0
                                    

ROSE

Dalawang araw na akong may sakit. Inatake kasi ang ng tonsillitis pagkatapos naming mag-inuman nina Rachel at Lenny noong isang araw. Nasobrahan ako ng pag-inom ng beer at paghithit ng sigarilyo. Kaya tuloy grabe ang sakit na binibigay sa aking lalamunan. At least, natabunan kahit papaano ng sakit na ito ang mas matanding sakit sa aking puso.

Pero sa totoo lang, may mga pagkakataon na bigla na lang ako maiiyak dahil nami-miss ko si Erik. Tapos, saka ako hahagulgol kapag naalala ko naman kung paano naman niya ako iniwan. Napakasakit. Napakasakit talaga. Papatak na naman sana ang luha ko nang biglang may kumtaok sa pintuan.

"Anak," tawag sa akin ni Mommy. "Nandito na ang almusal mo."

Pumasok si Mommy sa kuwarto na dala-dala ang isang tray na may lamang isang mangkok ng arroz caldo, tubig at mga gamot. Nagpapasalamat talaga ako kasi napaka-hands on ni Mommy kapag may sakit kaming magkakapatid. Ayaw niya kasing nagkakasakit kami.

"Ilang araw na lang, anak," sabi ni Mommy. "Gagaling ka na."

Tumango ako sa kanya at ngumiti.

"Sana gumaling na rin ito." Tinuro ko ang aking dibdib.

Napangiti sa akin si Mommy habang nilalagay niya sa lapag ang pinagkainan ko.

"Anak, mas mauuna pang gumaling iyang tonsils mo kaysa puso mo," parang pabirong sabi ni Mommy sa akin. Ang weird nga kasi nakangiti pa siya nang sabihin niya iyon.

Sinubuan niya ako ng mainit na arroz caldo at tinulungan na makainom ng gamot. Naisip ko bigla na tanungin si Mommy.

"Alam mo, Mommy. Nagtataka ako. Sobrang nagtataka ako. Hindi ko maintindihan kung bakit sa bawat love story na alam ko, hindi naiiwasan na may masasaktan. Palagi 'yan. Bakit ba kasi ganyan kapag nagmahal? Kailangan nasaasaktan. Hindi ba puwedeng huwag na lang masaktan?" Sabay tumulo ang isang luha sa aking mata. Pinunasan ni Mommy ang luha ko habang bahagyang natawa siya.

"Anak, nagmamahal ka. Hindi nangangarap. Palaging kasama sa pagmamahal ang masaktan. Hindi naman kasi fairy tale ang buhay ng tao na puro happily ever after lang ang lahat. Darating talaga ang panahon na masasaktan tayo dahil wala naman taong perpekto kung magmahal. At dahil doon, natutunan natin kung hanggang saan natin kayang mag-sakripisyo. Doon natin natututunan kung gaano natin kamahal ang isang tao."

Lumapit siya sa tabi ko para akbayan ako. Sinandal ko ang aking ulo sa kanyang braso.

"Parang kami ng Daddy mo. Ayaw naming iwan kayong magkakapatid dito sa Pilipinas. Pero kailangan naming mangibang bansa para sa inyo. Masakit para sa amin ang iwanan namin kayong tatlo. Pero handa kaming magsakripisyo dahil mahal namin kayo."

May tumulo muling luha sa aking pisngi. Pinunasan niya ulit ito saka ako ginalaw na parang chine-check kung humihinga pa ako.

"Anak, huwag mong itigil ang mundo mo dahil iniwan ka ni Erik. Huwag mong ipa-career sa puso mo ang sakit na nararamdaman mo para hindi ka mabuhay nang maayos. Hindi diyan natatapos ang lahat. Dahil kung inaakala mong walang nang nagmamahal sa iyo, tandaan mo palaging nandito kami para mahalin ka ng buong-buo."

Tumingin ako kay Mommy at napangiti ako. "I love you, Mommy."

"Mahal na mahal din kita, anak."

Niyakap ko si Mommy ng mahigpit. Sobrang higpit. Parang binigay ko ang lahat ng yakap na hindi ko nagawang ibigay sa kanya dahil nasa ibang bansa sila ni Daddy.

----- O -----

ERIK

I turned off the radio in order not to hear the entire song of Passengers' "Let Her Go". For sure, this song would hit me to bits if I continue listening to the song. I was driving my way to RX's home for a little gathering again of the barkada. After parking my car in front of RX's house, I saw Tito Roberto came my way. Again, he was about to leave their house when I got there.

Scripted RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon