Chapter 2

494 3 1
                                    

ROSE

Hindi ko namalayan na nakarating na ako ng SM Megamall mula sa police station dahil sa sobrang pagkaasar ko. Dapat kasi maaga akong pupunta dahil magkikita kami ng mga best friends kong sina Rachel at Lenny. Na-late tuloy ako dahil sa aberya kanina. Sinabayan pa ng antipatikong Erik na iyon. Nakakaasar talaga!

Kumaripas ako ng takbo sa escalator. Natanaw ko agad na sina Rachel at Lenny na nakaupo sa labas ng Starbucks at mukhang bagot na bagot na.

"BESTIES!" Sigaw ko sa kanila.

Tumingin sila sa akin. Aba! Binigyan lang ako ng poker face? Tumakbo na ako papunta sa kanila.

"Sorry kung late ako," sabi ko sa kanila.

"Ano pa bang bago?" Pasimangot na sagot ni Rachel, ang doctor kong kaibigan na naka-assign sa Makati Med. "Minsan na nga lang tayo magkita."

"Saan ka ba galing?" Tanong ni Lenny, isang Financial Analyst sa Thomson Reuters. "Nandyan lang naman sa kanto ang building niyo pero inabot ka pa ng dalawang oras bago makarating dito."

"Pasensya na. Na-aksidente kasi ako."

"ANO?!" Ang O.A. na sagot ni Lenny. Si Lenny kasi may pagka-exaggerate sa mga reaksyon niya.

"Gulat lang, te?" Tanong ni Rachel saka tumayo para sa akin. "Nasaktan ka ba? Nasugatan ka ba?"

"Wala naman. May nakabangga lang ako. Besides, ako ang may kasalanan."

Nagbago ang itsura ni Rachel. "Ikaw naman pala ang may sala."

"By the way, besties. I MISS YOU BOTH!" Sabay ko silang niyakap.

Simula kasi nang mag-trabaho ako sa LumenSkin, hindi na kami nagkitang tatlo. Sa Ortigas ang workplace ng LumenSkin. Si Lenny naman, sa McKinley ang assignment. Si Rachel, sa Makati nagwo-work. Kaya mahirap pagtugmain ang aming mga schedule.

Kami ang tinaguriang "Tres Marias" since High School. Hindi kami "Mean Girls" katulad doon sa pelikula ni Lindsay Lohan. But we were the best epitome of good friends living a good life kahit na magkakaiba ang ages namin.

"O, bakit nakangiti ka naman sa kawalan diyan?" Tanong ni Rachel. Takang-taka ang mukha niya.

"Naku, besty. Naka-drugs yan kasi last day niya ngayon. Mukhang tumira ng isang gramong juts para swak sa araw niya," sabay ang mahinhing pagtawa ni Lenny.

"Ulol!" Binatukan ko si Lenny. "Drugs kayo dyan? Maiba ako. May kwento pa ako sa inyo."

"Akala ko nga hindi mo ikekwento eh." Pairap na sagot ni Rachel. "Hinihintay ka lang naming ikwento. Anong ang nangyari kanina?"

Kinuwento ko sa kanila ang encounter namin ni Erik kung saan nabangga ko ang Honda Civic.

"Sa kaba ko kasi, tinanong ko sa kanya kung bakit kailangan naming pumunta sa police station. Syempre, malay ko ba baka ipapakulong—"

"Sandali lang," sabad ni Rachel. "Ikaw kaya itong nag-aaral ng law. You should know better kung makukulong ka dahil sa pagbangga ng kotse niya."

"Alam ko," sagot ko kay Rachel. "Pero gulong-gulo kasi ang isip ko noon sa kaba at takot. Ang sagot ba naman sa akin ng magaling na lalaki: 'If you knew it already, why did you have to ask me about it?' Di ba?! Napahiya ako! Hindi lang 'yon. Sasagot sana ako sa tanong niya. Bigla ba namang sinabi na rhetorical question lang daw 'yon. What the hell?! Napakaantipatiko!"

"Aysus! Nagtampo ka na agad?" Tanong ni Lenny pagkatapos humigop sa Latte niya.

"More like naasar kamo. Napahiya siya." Tumawa si Rachel. Tingnan mo ito, nang-aasar pa.

Scripted RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon