Chapter 20

212 1 0
                                    

ROSE

Marami ang nagbago sa buhay namin ni Erik matapos ang romantic night namin sa kasal ni Ate Coreen. Mas naging open ako sa kanya at mas naging open siya sa akin. Nakakatuwa nga kasi pati mga fears at angers ni Erik, nasasabi na niya. Nalaman ko tuloy na sobrang kinatatakutan niya ang ipis na lumilipad. Isang beses kasi, may biglang dumapo sa kanyang flying ipis. Aba! Napatili na parang babae ang Sammy ko! Kasi naman daw, umaasa pa daw na maging butterfly ang ipis. Nakakatuwa tuloy siya.

But of course, may mga bagay pa rin na hindi na naikukuwento sa akin. Tulad na lang ng tunay na nangyari sa kanila ni Andrea. Nirerespeto ko pa rin ang hindi niya pagkuwento sa akin. Makakapaghintay naman iyon. Gusto ko kasi manggaling sa iyon sa kanya.

Nandito ulit ako sa condo unit niya. At alam niyo ba kung anong ginagawa niya? Haha! Niluluto na ako ng kanyang recipe ng Ratatouille. Long overdue na daw dahil ilang beses nang naudlot ang pagkain namin ng recipe niya. Kaya talagang pinagpupursigihan na niya na tapusin iluto ang Ratatouille.

Busy ako sa pagta-type ng second half ng story treatment ng "Loving You Is Easy" sa aking laptop nang biglang tumunog ang cellphone niya.

"Gorgie," tawag niya sa akin. "Could you get my phone and let me know who sent me a text message."

"Sammy, ikaw na. Invasion of privacy ang gagawin ko kapag binasa ko ang text sa 'yo," sagot ko sa kanya.

"There's no invasion of privacy when you have my consent," sabi niya sa akin with matching lingon and killer smile. Kinilig tuloy ako sa aking nakita! "So please, read it for me."

"Okay," sagot ko. Kinuha ko ang cellphone niya na nasa tabi ng LCD TV niya. Tiningnan ko kung sino ang nagpadala ng text. Si RX. Binuksan ko ang text message.

Pare, we're through.

"Si RX," sabi ko kay Erik.

"What did he say?" Tanong niya nang nakatalikod.

"Pare, we're through. 'Yon lang."

Nakita kong biglang napatigil si Erik sa pagluluto. Pinihit niya ang kalan at dali-daling pumunta sa akin para kuhanin ang cellphone niya. Binigay ko naman iyon sa kanya. Binasa niya ng taimtim ang message. Anong ibig sabihin ni RX sa text? Di ko gets? Pero mukhang seryoso kasi kahit ang mukha ni Erik, naging seryoso at parang nakasimangot na confused.

"Wait lang," sabi niya sa akin. Ako naman, taking-taka pa rin. "I'll call him."

Erik dialed the number of RX at nilagay ito sa tenga niya.

"Hello, pare. For real?" Mga unang salit ni Erik nung sinagot na ni RX ang tawag. Kakaiba! Walang confirmation kung ano ibig sabihin ng text message. Nakinig ng maigi si Erik sa pagsasalita ni Erik.

"Wait me there," sagot ni Erik, tapos bigla siyang napatingin sa akin. "No, wait us there pala. Rose and I will go there. Just wait there. Bye."

Binaba ni Erik ang cellphone niya. Ano naman ang kinalalaman ko sa nangyari kay RX at pupuntahan namin siya nang biglaan? Tumingin sa akin si Erik. Tapos, tumalikod siya at dumiretso sa kusina.

"Ano daw 'yon, Sammy?" Tanong ko sa kanya. Curious na talaga ako.

"RX and Irene broke up," straight-forward na sagot ni Erik habang inilalagay niya ang half-cooked Ratatouille sa isang lalagyan. Saka niya pinasok ito sa refrigerator. "We need to comfort him kasi RX has the tendency to do things that are weird and even extreme."

"Tulad nang?" Tanong ko.

"Commit suicide."

BOOM! Nagpintig ang tenga ko sa narinig ko. May suicidal tendencies pala itong si RX. Kung sa bagay, nalaman ko kasi na si Irene lang naman ang pangalawang girlfriend niya ever since the world began. Sobrang traumatic ng unang relationship niya kaya di malayo na gawin niya ulit ngayon ito.

Scripted RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon