Chapter 16

289 1 0
                                    

ROSE

Dalawang araw ang lumipas nang dalhin sa hospital si Alex dahil sa aksidente sa C5. Sa dalawang araw na iyon, binisita ko siya para tingnan ang kalagayan niya. Hindi pa rin siya gumigising hanggang kahapon. Nag-aalala na nga ako kasi baka na-coma na siya. In-assure naman ng mga doctor na normal lang talaga sa mga naaksidente ang ganoong sitwasyon. Kaya tuloy lang ako sa pagdarasal na gumising na si Alex.

Umalis ulit ako ng bahay para puntahan si Alex ngayon. Dala ko ang isang basket ng prutas na bili ni Tita Gina sa suki naming tindahan sa palengke. Mahilig kasi sa prutas si Alex kaya naman sana magising na siya para matikman niya ang mga prutas.

Pagkarating ko sa hospital, dumiretso ako sa Room 145. Pagkabukas ko ng pinto, nagulat ako dahil wala na roon si Alex. Muntik ko pang maibagsak ang bitbit kong basket dahil sa gulat. Nagmadali akong naglakad papunta sa reception. May isang lalaking nurse na busy makipag-usap sa kapwa nurse na babae. Nagtatawanan pa sila.

"Excuse me. Nasaan na yung pasyente sa Room 145?" Tanong ko sa lalaking nurse.

"Wait lang po," sabi sa akin ng lalaking nurse. "I-check lang po namin."

"Sandali," singit ng babaeng nurse. "Si Alexander Gregorio ba ang pasyenteng hinahanap mo?"

"Yes!" Sagot ko sa babaeng nurse.

"Nilipat na po siya sa Executive Room 2. Doon po sa Third Floor."

Medyo napaisip ako saglit dahil sa sinabi ng babaeng nurse. Nilipat ng kuwarto si Alex?

"Okay. Salamat, miss!" Ngumiti ako sa kanila bago ako umalis. Dali-dali akong naglakad papunta sa elevator para makapunta sa Third Floor. Bakit kaya nilipat si Alex sa Third Floor? Sa Executive Room pa. Pagkababa ko sa elevator, tumingin ako sa pasilyo. May limang pintuan lang sa floor na ito na malalayo sa isa't isa. Tumingin ako sa kaliwa at doon ko nakita ang Room No. 2. Lumapit ako papunta sa pinto ng Room No. 2 at sinubukang buksan ang doorknob. Naka-lock. Kumatok ako na lamang ako sa pinto.

Ilang segundo ang lumipas nang may isang babae ang nagbukas ng pinto. Maputing babae na blonde ang buhok. May pagka-American pero halatang Pilipino pa rin siya dahil straight ang kanyang Tagalog accent nang tanungin niya ako.

"Sino po sila?"

"Hi," pangiti kong bati sa kanya. "Ako si Rose Mendoza, kaibigan ni Alex."

Hindi ko maiabot ang kamay ko dahil sa hawak kong basket. Napansin kong parang napaisip ang babae bago ulit siya nagsalita.

"Ikaw pala si Rose." Kinabahan ako sa di malamang dahilan ng sabihin niya iyon. Pero ngumiti lang siya sa akin kaya nawala rin nang bahagya ang kaba ko. "Halika. Pasok ka."

Binuksan niya ang pinto upang patuluyin ako.

"Let me have that basket," mabilis niyang alok sa akin sabay kuha ng basket. Binigay ko naman sa kanya at nilagay niya ito sa isang side table malapit sa pintuan.

"By the way, I have not introduced myself. I'm Jane, fiancée ni Alex." In-extend niya ang kanyang kanang kamay para sa isang handshake.

"Hi! Nice meeting you, Jane." Binigay ko ang aking kamay sa kanya at nakipag-shake hands. Nagkangitian kaming dalawa. Naramdaman kong kumportable ako sa presensya niya. Hindi ko naman na ikinagulat na makilala sa wakas ang kanyang fiancée dahil kinukuwento siya sa akin ni Alex noong magkita kami ulit mga isang taon pagkatapos naming magkahiwalay (o paghiwalayin?).

"Come in, nandito sila Tita Mariel at Tito Lucito." Nauna siyang lumakad sa loob.

Napitigil ulit ako. At mukhang napapadalas na naman ang pagtigil ng aking mundo. SHIT! Nandito ang parents ni Alex? Nandito talaga sila? Ano ito? Ano ang nangyayari? Anong kasalanan ko at nandito sila ngayon sa araw ng pagbisita ko kay Alex? Kaya naman pala nilipat si Alex mula sa Room 145 papunta rito. Hindi hahayaan ng parents niya na sa isang ordinary room lang mag-stay si Erik.

Scripted RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon