Chapter 31

199 2 0
                                    

ROSE

Pagkadilat ko ng aking mga mata kinaumagahn, kinapa ko ang aking cellphone sa side table para kunin iyon. Nang hindi ko makapa, bumangon ako nang bahagya. Nakita ko na nahulog pala ang cellphone ko sa sahig.

"Malas," sabi ko.

Kinuha ko ang cellphone ko mula sa sahig. Nakita ko ang oras: 2:45 PM. Ganoon katagal ako nakatulog? Magpapadala ako ng text message kay Lenny.

To: Lenny

Bes, takbo tayo.

Bumalik ulit ako sa pagkakahiga pagkapadala ko ng text message. Ilang segundo lang, tumunog ang cellphone ko.

From: Lenny

Takbo? Saan?

To: Lenny

Sa BGC. High Street.

From: Lenny

Okay. Dun na lang tayo magkita?

To: Lenny

Yes. At 4.

Hindi ko na binasa ang reply ni Lenny pagkatapos n'on. Bumangon ako at inunat ang aking katawan. Nakaramdam ng bahagyang sakit sa aking likod. Pinunas ko ang aking mga mata na parang napakabigat pa rin sa pakiramdam. Tumungo ako sa C.R. para maghilamos. Pagkaharap ko sa salamin, nakita ko ang aking magulong buhok at namumulang mga mata. Akala ko, mawawala na ang pamumula kapag itinulog ko.

"Namumula ka pa rin kakaiyak?" malamig kong tanong sa aking reflection. Saka ako sumagot: "Tanga."

Tinuloy ko na lang sa pagligo sa halip na ituloy na makipag-usap sa aking tangang sarili. Lutang na lutang ang utak ko kaya gusto ko na lang ay tumakbo mamaya sa Bonifacio High Street. Pagkatapos ko na maligo, nagbihis ako sa isang running get up: running shirt, running shorts, iPod Touch at iPod band sa aking kanang braso at isang cap na bigay sa akin ni Daddy. Pagkatapos kong ayusin ang sarili, bumaba ako sa dining area kung saan nakita kong nanonod si Tita Gina ng panghapong Koreanovela sa TV.

"O, saan ang punta mo, anak?" Tanong sa akin ni Tita Gina.

"Magja-jogging lang po kami ni Lenny sa The Fort," sagot ko sa kanya. "Nasaan sila Daddy?"

"Umalis sila kasama si Romeo at Racky," paliwanag ni Tita Gina. "Hindi ka na nila ginising kasi tulog mantika ka raw kanina."

"Ah," sabi ko. "Sige, Tita Gina. Alis po muna ako."

"Hindi ka ba muna kakain?" Tanong niya.

"Hindi na po. Sa labas na lang ako kakain." Sabay ngiti ko kay Tita Gina bago umalis.

Dahil wala ang kotse namin, sumakay ako ng taxi papungtang Bonifacio High Street dala ang aking bag na pang-workout. Medyo natagalan man, nakarating din ako sa aking destination. Meeting place namin ni Lenny ang open parking lot malapit sa High Street. Nilapitan ko siya nang makita ko na siyang mag-park doon. Nakaharap siya sa compartment ng kanyang kotse at halatang inaayos ang gamit niya doon. Hinawakan ko ang kanyang puwet nang pabiro.

"AY! ANAK NG PATING!" Napasigaw siyang humarap sa akin. Napahalakhak ako sa reaksyon niya kahit papaano. "Huwag naman gano'n, bes. You gave me a heart attack."

"At least, I didn't broke it," sabi ko nang pabiro. Nagtaka tuloy si Lenny sa sinabi ko.

"Ano daw?" Tanong niya.

"Wala," sagot ko habang nilagay ko na ang gamit ko sa kanyang compartment. "Halika na! Malapit na mag-gabi. Mauubusan tayo ng puwesto ng tatakbuhan."

Scripted RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon