Chapter 1

993 7 0
                                    

ROSE

"Hindi na ba talaga kita mapipigilan, Rose? The company can give you a counter-offer, Rosy. And I know that is something you can't refuse," sabi ng boss ko na si Ms. Pamela, ang Human Resource Manager ng LumenSkin na isang skin care company.

"Pasensya na po, Ms. Pam. Buo na po talaga ang desisyon ko," sagot ko sa kanya.

Nagkibit-balikat si Ms. Pamela sabay buntong-hininga.

"Oh well, I will be losing a valuable asset in my department." May tunog na nagpapaawa ang boses ni Ms. Pam noong sinabi niya yun. Nag-pout siya bigla na madalas niyang gawin kapag nagpapaawa o nalulungkot.

"Ms. Pam naman," pangiti kong sagot sa kanya. "I will just concentrate on my studies po. Third year na po ako sa law school and I need to take my subjects seriously this time."

Napangiti si Ms. Pamela.

"It's fine, really," sabi ni Ms. Pam. "Sinusubukan ko lang kung mababago ko pa ang isip mo. Anyway, this company will miss you big time. Wala nang magtataray sa mga tinatanggal na empleyado dito." Napatawa siya pagkatapos niyang sabihin iyon.

Ako si Rosalinda Mercedes Mendoza a.k.a. Rose. Twenty-three years old, Employee and Labor Relations Officer. Bale, sa akin napupunta ang mga kaso ng mga empleyado na may kinalaman sa disiplina at labor matters. Mahirap na mawala ako sa kumpanya dahil maraming kaso ang matetengga hanggang sa makahanap sila ng aking kapalit. Kaya ganoon na lang din ang pagpipigil sa akin ni Ms. Pamela.

Tumayo si Ms. Pamela at lumapit sa akin. Tumayo rin ako bilang respeto. Saka niya ako niyakap ng mahigpit.

"Good luck, Rosy. Pagbutihan mong maigi ang pag-aaral mo. Okay?" Tumango ako nang nakangiti.

"Ma'am, will I ever let you down?" Tanong ko kay Ms. Pam bago ako nakipagkamay sa kanya at lumabas ng kanyang opisina.

Tumungo kaagad ako sa aking cubicle. Kinuha ko ang isa sa dalawang boxes na naghihintay sa table ko at sinimulang ilagay doon ang aking mga gamit. Isa-isa kong nilalagay ang mga personal papers ko (Mga cases papers from law school? Grabe! Dami ko palang iniwan na cases dito!) nang may biglang tumapik sa likod ko.

"Rosychicks."

Lumingon ako. Si Marianne pala, ang aming Recruitment Officer. Nagluluha ang kanyang mga mata. Napailing na lang ako sa kanya nang nakangiti.

"Iiwan mo na ba talaga kami?" Aba! May pagka-drama queen kasi si Marianne. Walang sawa ba namang manood ng Korean TV Series tuwing gabi.

"Ano ba? Puwede naman kaya tayo magkita. Anong silbi ng Facebook at Twitter?" Hinawakan ko ang kanyang kanang braso.

"Kasi naman. Papahirapan mo akong maghanap ng kapalit. Wala ka kayang kapalit?" Sabi ko na nga ba at mahihirapan siya.

"Kung facialist nga nakakahanap ka, kapalit ko pa kaya?" Sabay hawak ko sa magkabilang braso niya.  Kailangan niya ng motivation dahil mahihirapan siyang maghanap ng aking kapalit.

"Sa bagay. Kahit nga ex mo, nahanap ko para sa 'yo," patawang sinabi ni Marianne. Hinampas ko saya sa braso.

"Ikaw talaga! Anong 'ex' ka dyan? Wala naman kami ni Alex noon." Napatawa na rin ako.

Tumawa si Marianne na parang walang bukas. "Sige, deny pa, te!"

Hinampas ko ulit siya sa braso pero tawa pa rin siya nang tawa. "Wala nga talaga. Ang kulit mo!"

Inilagay ko ang mga huling gamit ko sa pangalawang box. "Iyan na lahat ang gamit."

Nalungkot na naman ang mukha ni Marianne. Lumapit siya sa akin at binigyan ako ng isang mahigpit na yakap.

Scripted RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon