Chapter 13

257 3 0
                                    

ROSE

Napakunot-noo si Erik sa sinabi ko. "Three wishes?"

"Mukha ba kitang niloloko?" Tanong ko sa kanya nang nakataas ang aking isang kilay. The mataray look!

"O-okay," sabi ni Erik habang inayos ang sarili. "What are your wishes then?"

"Mag-promise ka muna na gagawin mo ang tatlong kahilingan ko," sabi ko sa kanya. In-extend ko sa kanya ang aking hinliliit para i-seal ang promise na iyon. Makalipas ang ilang segundo, ngumiti sa akin si Erik at ikinasa ang kanyang hinliliit sa akin.

"Promise."

"Magaling, Sammy!" Napasigaw ako. "So, for my first wish: Sasamahan mo akong pumunta sa Megamall..."

"That's easy." Medyo mayabang na tiningnan ako ni Erik bago ngumiti. Pinindot niya ang alarm ng kanyang kotse nang nakarating kami sa kanyang kotse. Dali-dali niyang binuksan niya ang pinto ng passenger seat. "After you?"

Dahan-dahan, lumapit ako kay Erik hanggang sa halos magkalapit na naman ang mga mukha saka ko pinalipot ang aking mga kamay sa kanyang leeg. Ngumiti ako nang gawin ko iyon. Nagbago naman bigla ang itsura ng mukha ni Erik. Naguluhan siya marahil sa ginawa ko dahil parang nailang pa siya at nilayo ng bahagya ang kanyang mukha mula sa akin. Tinaas ko ang aking isang kilay para ipakita sa kanya ang nakakaloko kong mukha bago ako nagsalita.

"Pero hindi natin gagamitin ang kotse mo," sabi ko sa kanya with a grin. "Magji-jeep tayo."

"WHAT?!" Pasigaw na tanong ni Erik. Mabilis niyang tinanggal ang aking mga kamay mula sa kanyang leeg. Gulat na gulat pa siya! "You're joking, right?"

"Bakit? Hindi ka pa ba nakakasakay ng jeep sa buong buhay mo?"

"Not one time!"

"Kahit noong bata ka pa?"

"Our driver always fetch me from school."

"Kahit na mai-stranded ka?"

"We have a helicopter. Mom would ask the Company helicopter to pick me up." Medyo natameme ako nang sabihin niya iyon. Nakaligtaan ko yata na mayaman sina Erik. Pero ang sunduin siya ng isang helicopter? Iba rin talaga ang pamilya ni Erik. "Jeepneys are dangerous to ride with drivers who are so rude and reckless and passengers who looked at you indifferently every time you stare at them."

"Ang dami mo namang sinabi, Sammy," sabi ko kay Erik. "Akala ko ba hindi ka pa nakakasakay ng jeep. Sa description mo kasi, parang ikaw itong alam na alam ang nature ng mga jeep."

"Basta!" Pa-tantrum na sagot sa akin ni Erik. Parang batang hindi napagbigyan at ngayon ay nagmamaktol na. "You won't make me ride a jeep."

Nilabas ko ang aking nakakalokong ngiti na may balak. "May first time sa lahat ng bagay," sabi ko sa kanya. At wala ka nang magagawa pa, Erik, isip ko. Drop-jaw faced si Erik. Inaasahan kong matutuwa ako sa mga mangyayari. Kailangan kong makaganti man lang kay Erik kahit kaunti.

Maraming naghihintay sa waiting shed ng jeep na papunta ng Ortigas pagkarating namin ni Erik doon. Nang dumating ang kaisa-isang Pasig-Quiapo na jeep, nagsuguran lahat ng mga taong nais makasakay. Pinilit ko ang aking sarili sa maraming tao habang nakahawak ako kay Erik. Sa gitna ng unahan, nabitawan ko si Erik. Kaya binalikan ko siya habang nagsisakayan ang ibang tao. Hindi kinaya ni Erik ang siksikan at unahan ng mga tao dahil bakas sa mukha niya na annoyed siya sa nangyari. Kinuha ko ulit ang kamay niya at ngumiti sa kanya bago kami pumasok sa jeep. Una akong sumakay at umupo malapit sa pintuan ng jeep. Mabuti na lang umusog na kaagad si Manong para makasakay ako. Naghanap naman si Erik ng mauupuan ngunit, wala nang uwang na natira na puwede niyang upuan. Naghanap din ako ng uwang pero siksik na talaga ang mga pasahero.

Scripted RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon