Chapter 29

222 1 0
                                    

ROSE

Nang sumunod na araw, tumulak na ako papunta sa rest house nina Erik sa Pangasinan matapos kong magpaalam kay Daddy at Mommy (na bahagya rin akong nahirapan kumbinsihin). Hindi ko naman makakalimutan ang daan papunta sa rest house nila dahil magaling akong makatanda ng mga landmarks. Dala ko ang paper bag na dala ko noong nag-Skype kami ni Erik. Napagtanto ko kasi na maging mahinahon ako kahit na napupuno pa rin nang pagkatampo ang aking puso dahil hindi sinabi ni Erik na nakabalik na siya.

Nang makarating ako ng Rosales, Pangasinan, nakaramadam ako ng gutom. Kaya nag-pull over muna ako sa SM Rosales para kumain ng tanghalian. Kakain na lang ako sa Jollibee para makatipid. Habang kinakain ko ang in-order kong Garlic Peper Beef Meal, inisip ko ang gagawin ko pagdating sa rest house nina Erik.

Ano kaya ang una kong gagawin? Sa mga teleserye, may sampalang nagaganap kasi hindi sinabi ng bidang lalake sa bidang babae na nakabalik na si lalake sa Pilipinas. ERASE! Hindi naman teleserye ito. Masyadong heavy drama. Ayaw ko rin namang maging aggressive kahit na inis ako kay Erik. Ayaw ko rin siyang saktan. What about light drama? Bakit hindi mo sinabi sa aking nakauwi ka na pala? Wala ba akong karapatan? ERASE! Karinyo muna para malaman ko ang totoo? Uhm. Erik, I missed you. Did you miss me? Uhm. Pwede, pero dapat kasi malaman ko ang dahilan kung bakit hindi niya ako kinakausap kahit man lang sa Viber.

Hindi ko napansing naubos ko na pala ang kinakain ko. Umalis ako ng Jollibee, bumalik sa kotse at tumuloy papunta sa Hacienda Dela Rosa. Habang papunta ako doon, nagdesisyon ako na mag-go with the flow na lamang. Kung ano na lang ang una kong maisip, iyon na lang ang gagawin ko. Besides, ang gusto ko lang naman ay makita muli si Erik na nasa maayos na kalagayan. May hinanda na rin naman akong pagkakaabalahan naming dalawa.

Nakarating ako sa pamilyar na off-road papunta sa Hacienda Dela Rosa. Habang dahan-dahan akong sumusuong sa malubak na daan, tiningnan ko ulit ang laman ng paper bag na dala ko. Napangiti ako bigla at bahagyang nawala ang inis. Sana matuwa rin si Erik sa laman nito. Maliban kasi sa supot ng wasabi na ginamit namin sa 'I Have Never' game, may importanteng laman din iyon para kay Erik.

Sa wakas, nakarating ako sa tapat ng rest house nina Erik. Bumaba ako ng kotse at lumapit sa akin si Gardo mula sa garden.

"Magandang hapon, Miss Rose!" Masayang bati sa akin ni Gardo. "Halika po sa loob." Tapos, tumakbo siya papunta sa loob ng rest house at sumigaw: "Manang, nandito si Miss Rose!"

Lumakad ako papasok ng rest house. Pagkapasok ko, lumabas mula sa kusina si Tita Nang.

"Rosalinda!" Bungad sa akin ni Tita Nang. Lumapit siya sa akin at niyakap ako.

"Magandang hapon po, Tita Nang," pagbati ko sa kanya.

"Anong nagdala sa iyo dito?" Tanong niya sa akin.

"Si Erik po," pangiting sagot ko sa kanya. "Hindi po niya alam na nandito ako. Nandiyan po ba siya?"

Biglang nawala ang ngiti ni Tita Nang at napalitan ito nang pag-aalala. "Naroon siya sa garden. Sa may puno."

Ngumiti ako kay Tita Nang. "Sige po, puntahan ko na lang po siya."

Palakad na ako papuntang hardin nang bigla akong hawakan ni Tita Nang sa kamay. Bakas sa kanyang mga tingin ang pag-aalala. Tipong sinasabi sa akin na mag-ingat ako pagpunta kay Erik. Unti-unti niyang binatawan ang kamay ko at sinabi sa akin: "Maintindihan mo sana siya."

Saan galing iyon? Maintindihan ko sana siya? Nagtaka ako sa sinabi ni Tita Nang. Tatanungin ko sana kung bakit niya nasabi iyon pero umalis na siya at bumalik sa kusina.

Lumakad ako patungo sa garden kung nasaan ang puno ng Lola at Lolo ni Erik. Hindi ko na ipinagtaka pa ang nag-iisang taong na naroon. Nakaupo sa harap ng puno na may katabing isang case ng San Mig Light ang aking boyfriend, ang aking mahal, si Sammy. Si Erik. Nakatingala lang sa puno habang umiinom ng isang boteng beer.Bakit kaya siya nagpapakalasing? Tumayo ako sa likuran niya. Hindi niya napansin ang aking pagdating.

Scripted RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon