Chapter 52

141 4 0
                                    

CHAPTER 52

ROSE

Dumating ang araw na pinalangin kong mabago pa sana ng kapalaran until the last minute. Ang field trip day ni Racky sa Pangasinan na kasama si Erik. SI ERIK! Argh! Naiisip ko palang parang gusto kong pisatin ang hawak kong sabon habang naliligo ako.

Maaga akong gumising dahil 5:00 AM ang alis ng bus nina Racky. Pagkatapos kong maligo, nagbihis ako ng simpleng white t-shirt at pantalon. Field trip naman ang pupuntahan namin at hindi gimikan kaya dapat simple lang suot. Inayos ko na rin ang aking mga dadalhing damit at gamit sakaling kailanganin ko. Dinala ko na rin ang iPad ko para makapag-aral ako sa daan o kaya mapaglagyan ko ng mga ideas na maiisip ko for another story concept.

Habang inaayos ko ang aking buhok, napatigil ako at napatitig sa salamin.

"Rosalinda, control lang ang kailangan. Day tour lang ito. Hindi overnight. Kaya mo ito. Hinga ng malalim. Sabay buga. Hinga ng malalim. Sabay buga. Inhale. Exhale. Inhale. Exhale"

Inulit ko ang malalim na paghinga sabay buga ng ilang beses pa. Saka ako napatitig ulit sa salamin. Ngumiti ako at nakaramdam ng pagkagaan ng loob. Aja!

Lumabas ako ng kuwarto dala ang aking bag pumunta sa pintuan ng kuwarto ni Racky.

"Racky?" Pagtawag ko sa kanya habang kumakatok sa pinto.

"Nandito na ako, ate!" Sigaw ni Racky na galing sa baba. Mukhang excited pa siya sa field trip.

Bumaba na ako para kitain si Racky. Naroon siya at nakaupo sa sofa, nakasuot ng PE uniform nila sa school. Nandoon na rin si Mommy na inaayos ang gamit ni Racky.

"Anak," tawag sa akin ni Mommy nang makarating ako sa harap niya. "Lagyan mo ng Off Lotion si Racky kapag may outdoor activities kayo."

"Sige po," sagot ko kay Mommy.

"Halika na, ate!" Masayang alok ni Racky. "Male-late na tayo."

"Grabe! 4:30 pa lang kaya, Racky," pabirong sabi ko sa kanya. "Huwag excited."

"Hindi kasi ganun, ate. Papunta na daw kasi si Kuya Erik sa school."

Napatigil ako sa aking narinig. Mas concerned pa si Racky na papunta na sa school nila si Erik kaysa ma-late sa pagdating sa school. Hay. Medyo bumalik ang negative vibes, pero hindi ko na lang ininda ito para hindi masira ang araw ko.

Nag-goodbye kiss kaming dalawa ni Racky kay Mommy bago lumabas para pumunta sa school ni Racky. Nag-taxi kami papuntang school nila dahil mahirap pang sumakay ng jeep ng ganitong oras ng umaga.

Pagkarating namin school nila, nakita namin ni Racky na may grupo ng mga tao sa tapat ng dalawang bus na naka-park sa harap ng gate. Pagkababang-pagkababa namin, matulin na tumakbo si Racky sa mga kaklase niya na kasama ang mga kanya-kanya nilang mga magulang o kapatid o companion. Dapat talaga kasi sina Daddy at Mommy ang sasama dito, kung hindi lang nagkaroon ng isang emergency seminar sa OWWA na kailangan daw nilang daluhan.

Mabagal akong naglakad papunta kay Racky. Kinuha ko ang aking cellphone para tingnan kung may hindi pa ako nabasa na message. Wala naman akong natanggap. Hindi ko iniisip na makakatanggap ako ng text kay Erik. Para que pa?

Sa gitna ng aking pag-scroll ng mga messages, ginulantang ako ng busina ng kotse mula sa aking likod.

"AY KAMOTE!" Sigaw ko saka ako lumingon.

Isang taxi ang huminto sa aking likod. Anong klaseng driver naman ito? Makakasagasa pa! Nakasimangot ako habang iniisip ito. Bumukas ang pinto ng taxi at ang taong lumabas ay aking ikinagulat. Si Erik. Naka-shades, nakasuot ng isang purple V-neck shirt na fit kaya bumabakat ang matindig niyang chest. Tapos, nakasuot pa ng isang black jeans at top sider. May dala siyang bag na nakasabit sa braso niya at isang brown paper bag na hawak niya.

Scripted RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon