Chapter 30

208 1 0
                                    

ROSE

Pagkauwi galing ng Pangasinan, hindi ko kinausap sina Daddy at Mommy na nanonood ng palabas sa TV kasama sina Racky, Romeo and Tita Gina. Hahabulin sana ako ni Daddy pero pinigilan siya ni Mommy. Alam kong naintindihan na ni Mommy ang lahat at maiintindihan iyon ni Daddy.

Dalawang araw ako na hindi umalis ng bahay pagkatapos ng gabing iyon. Hindi ako nag-kuwento kay Daddy at Mommy dahil ayaw ko nang pag-usapan pa ang mga nangyari. Mabuti na nga lang at hindi tinatanong ni Daddy at Mommy tungkol kay Erik. Siguro dahil na rin sa pinakita ko sa kanila na maayos lang ako. Ayaw ko rin munang sabihin sa kanila ang ginawa sa akin ni Erik. Baka iyon pa ang maging mitsa ng pagbabago sa tiwala ni Daddy kay Erik. Kahit nasaktan ako, iniisip ko pa rin ang kapakanan ni Erik. Ayaw ko pa rin siyang masira kay Daddy.

Kinaumagahan ng ikatlong araw mula noong gabing iyon, minulat ko ang aking mga mata at tumitig sa kisame. Naalala ko pa rin ang mga nangyari noong isang gabi in crystal clear vision at ramdam na ramdam ko pa rin ang sakit na dinulot sa akin ni Erik. Paulit-ulit kong naririnig sa isip ko ang mga salitang binitawan niya: We are done. That was the deal. The deal's done.

"May nagawa ba akong mali?" Tanong ko sa aking sarili na naguguluhan habang may gumulong na luha mula sa aking mata. "Ito ba ang kabayaran sa lahat ng mga pagkakamali ko? Sabihin mo naman sa akin ang sagot."

Nag-shift ang mood ko sa galit. "Pero wala akong kasalanan! Wala naman akong ginawa para masaktan si Erik. Ako pa nga itong tanga na umiintindi sa kanya. Siya ang hindi makaintindi!"

Pagkatapos, napalitan ang aking galit ng kalungkutan. "Pero bakit nga ba niya nagawa sa akin iyon? Bakit niya ako iiwan na lang nang basta-basta? 'Yong deal lang ba talaga ang dahilan?"

Sa kalagitnaan ng aking soliluqouy, may biglang kumatok sa pinto ng kuwarto ko.

"Rose, can we come in?" Boses ni Rachel.

Hindi ako sumagot. Lumipas ang ilang segundo, bumukas ang pinto. Naroon si Rachel at Lenny. Pumasok silang dalawa at sinamahan ako sa kama. Naupo si Rachel sa aking kaliwa habang si Lenny naman sa kanan.

"Halika nga dito," ani Rachel saka niya ako niyakap. Sumama rin sa pagyaka si Lenny. Napaluha tuloy ako dahil sa ginagawa ng aking mga kaibigan.

"Sinabi sa amin ni Tito Edgar at Tita Eloisa na galing ka ng Pangasinan para makipagkita kay Erik. Pagkauwi mo raw, umiiyak ka. Obviously, may naganap sa inyong dalawa ni Erik." ani Lenny.

Huminga muna ako nang malalim para kumuha ng lakas bago ko sinimulan ang kuwento. Sinabi ko sa kanila ang lahat ng nangyari sa pagkikita namin ni Erik: mula sa 'I Will Never' game hanggang sa iwan ko siya dahil nakipag-break siya sa akin dahil tapos na ang dalawang buwan sa deal namin. Bawat parte, may stop time ako kasi hindi ko mapigilang ilabas ang sakit at sama ng loob ko.

"...muntik pa nga akong maaksidente," patapos kong kuwento sa kanila. Napatawa ako ng bahagya dahil sa katangahan kong muntik maaksidente. "Hindi ko alam kung bakit, kung paano. Pero nasasaktan ako. Alam kong dalawang buwan lang ang deal namin. Pero bakit ang bilis? 'Yon na lang 'yon? Dahil lang doon? Tapos na kaagad kami?"

"Besty," panimula ni Rachel. "Walang hiwalayang naganap sa kasaysayan ng mga nagmahalan na walang dahilan. At iyon na nga ang dahilan ni Erik para tapusin iyon."

"It was just a deal, Besty," sabi naman ni Lenny. "Pagkatapos ng dalawang, kailangan niyong tapusin ang relationship niyo, 'di ba?" Tanong ni Lenny.

"Although aaminin ko," habol ni Rachel. "Ang babaw ng dahilan ni Erik kung makikipaghiwalay siya dahil sa natapos lang ang deal niyong dalawa."

"Right. Like it's not making sense," Komento ni Lenny. "Nakipag-break siya just like that. Ang bilis." Biglang tumingin sa akin si Lenny. "Tinanong mo ba siya kung bakit naisipan niyang makipag-break sa 'yo nang dumating na ang deadline ng deal niyo, Rose?"

Scripted RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon