Chapter 38

205 2 0
                                    

ROSE

Pagkadilat ko ng aking mga mata, kinapa ko ang cellphone ko sa aking side table para kunin ito. Nang hindi ko makapa, bumangon ako nang bahagya. Nakita ko na nahulog pala ang cellphone ko sa sahig.

"Malas," sabi ko.

Kinuha ko ang cellphone ko mula sa sahig. Nakita ko ang oras: 3:45 PM. Ganun katagal ako nakatulog? Magpapadala ako ng text message kay Lenny.

To: Lenny

Bes, takbo tayo.

Message sent, bumalik ulit ako sa pagkakahiga. Ilang segundo lang, tumunog ang cellphone ko.

From: Lenny

Takbo? Saan?

To: Lenny

Sa BGC. High Street.

Ilang saglit, nakatanggap ako ng reply kay Lenny.

From: Lenny

Okay. Dun na lang tayo magkita?

To: Lenny

Yes. At 4.

Pagkatapos kong maipadala ang message, tumunog ulit ito pero hindi ko na lang muna binasa kung reply ba iyon ni Lenny. Bumangon ako at nakaramdam ng bahagyang sakit sa aking likod. Pinunasan ko ang aking mga mata. Ang sakit pa rin ng mga mata ko.

Dumiretso ako sa CR para maghilamos. Pagkaharap ko sa salamin, nakita ko ang aking magulong buhok at namumulang mga mata. Akala ko, mawawala na ang pamumula kapag itinulog ko.

"Namumula ka pa rin kakaiyak? Tanga," malamig kong sabi sa aking reflection.

Pagkauwi ko kasi mula kay Erik, dumiretso ako sa kuwarto at isinubsub ko ang aking mukha sa kama. Doon ako nagsisigaw habang nakatakip ang unan ko sa aking mukha. Ayaw kong marinig nina Mommy at Daddy na nagwawala ang kanilang anak. Actually, ayaw kong may makaalam muna kung ano ang mga pangyayari sa amin ni Erik. Masakit na masakit na ang utak ko para isa-isahin ang lahat. Mas lalo naman ang puso na sa tingin ko ay durog na durog na.

Tinuloy ko na lang sa pagligo instead of recalling ang mga nangyari kagabi. Lutang na lutang ang utak ko ngayon at ang gusto ko na lang ay tumakbo mamaya sa High Street.

Pagkatapos ko maligo, nagbihis ako sa isang running get up: running shirt, running shorts, iPod Touch at iPod band sa aking kanang braso at isang cap na bigay sa akin ni Daddy. Pagkatapos kong ayusin ang sarili, bumaba ako sa dining area kung saan nakita kong nanonod si Tita Gina ng panghapong Koreanovela sa TV.

"O, saan ang punta mo, anak?" Tanong sa akin ni Tita Gina.

"Magja-jogging lang po kami ni Lenny sa The Fort," sagot ko sa kanya. "Nasaan sila Daddy?"

"Umalis sila kasama si Romeo at Racky," paliwanag ni Tita Gina. "Hindi ka na nila ginising kasi tulog mantika ka daw kanina. Gusto ka nilang makapagpahinga."

"Ah," sabi ko. "Sige, Tita Gina. Alis po muna ako."

"Hindi ka ba kakain muna?" Tanong niya.

"Hindi na po. Sa labas na lang ako kakain." Sabay ngiti ko kay Tita Gina bago umalis.

Since wala ang kotse namin dahil gamit ito nina Daddy, sumakay na lang ako ng taxi papungtang BGC dala ang aking bag na pang-workout. Hindi naman hassle sa akin dahil sanay naman akong magdala ng bag kapag nagko-commute.

Medyo natagalan man, nakarating din ako ng High Street. Meeting place namin ni Lenny ang open parking lot malapit sa High Street dahil doon siya nag-park. Nilapitan ko siya nang makita ko na siya. Nasa compartment siya at halatang inaayos ang gamit niya rito. Hinawakan ko ang kanyang puwet nang pabiro.

Scripted RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon