Chapter 11

273 1 0
                                    

ROSE

Pumunta ako sa condo unit ni Erik. Ipagluluto raw niya ulit ako ng pagkain for lunch at re-review-hin niya ang first draft ng story treatment na sinulat ko. Hindi ko pa nga tapos ang buong kuwento, pero at least may mapapabasa na ako sa kanya.

Pagdating ko sa condo unit ni Erik, inabutan ko siya na naghahanda ng mga gagamitin sa pagluluto.

"Hi, Gorgie!" Nakangiting bati niya sa akin.

"Hi, Sammy! Kumusta naman ang lunch niyo kahapon?" Tanong ko sa kanya habang ipinatong ko sa lazyboy chair niya ang gamit ko.

"It was good. We had fun yesterday although we didn't drink. It's very seldom that we do not drink whenever we meet." Patawang kuwento sa akin ni Erik.

"Mas okay na 'yon," sabi ko sa kanya. "At least, hindi ka umuwing lupasay diyan sa sahig."

"Grabe ka naman, Gorgie," sagot niya sa akin. Ngumiti na lang ako sa comment niya. Pagkatapos niyon, bumalik siya sa kusina upang simulan na ang pagluluto.

"Anong lulutuin mo?" Tanong ko sa kanya.

"I will be making a foreign dish. It's called Ratatouille." Pangiti niyang sinabi sa akin.

"Wow! 'Yan ba 'yong sa Disney movie?"

"Yes."

"Sige! Simulan mo na at natatakam na ako!" Siyempre, sa kabila ng pagiging international ng tunog ng pangalan ng lulutuin ni Erik, iyon ang isa sa maraming pagkain na gusto kong matikman. Naalala ko ang pelikulang "Ratatouille". Nakapagtataka kasi ang kung ano ang lasa ng isang ordinaryong pagkain na siyang naging susi para mapabago nito ang isang tao. Maihanda rin kaya iyon ni Erik sa akin? Ang lasang makapagpapabago sa akin? Tumingin ako kay Erik at nakitang nagsimula na siyang magluto.

"Gorgie, can I read your story treatment?" Tanong sa akin ni Erik. Nakasuot na naman siya ng apron niyang Spongebob Squarepants.

"Sure!" Sabi ko sabay abot sa kanya ng two-page story treatment ko. Multi-tasking lang ang peg nitong si Erik. Maghahalo ng mga putahe, tapos magbabasa. Maglalagay ng mga asin o betsin ba yun, tapos magbabasa ulit.

Nakangiti lang akong nakatingin sa kanya. "Ano sa tingin mo?" Tanong ko sa kanya.

At nangyari ang hindi ko inaasahan. Nagbago ang itsura ng mukha ni Erik. Napakunot-noo, napapataas ng kilay, mukhang naasar sa binabasa niya. Ano kayang problema?

"What's this, Gorgie?" Iritableng tanong ni Erik. "Why is your story treatment like this?"

"Bakit?" Tanong ko sa kanya nang may pagtataka. "May mali ba sa structure?"

"There's nothing wrong with the structure or format," sagot sa akin ni Erik. "But the flow of the story itself. Damn! This would not pass Tito Ricky's standards."

Mukhang may mali o pangit o wala akong ginawang tama sa story treatment ko.

"Look at this," sabi niya sa akin. Tinigil niya muna ang paghalo ng mga rekados at tinuro ang isang parte sa story treatment na ginawa ko. "You wrote here that your main characters were arguing. Immediately after that, they were talking another thing which outside of the premise? Did they made up? Did they argue more? You didn't put something for them to fix or to make up with."

"Gano'n ba?" Tanong ko sa kanya. Nagmadali siguro ako noong sinusulat ko ang parte na iyon ng kuwento. "Hayaan mo. Isipan ko ng plot point. Pero story treatment pa lang naman iyan. Hindi pa kailangan ilagay lahat."

"Yes, that's correct," sagot ni Erik. "But you don't summarize in a way that would confuse your readers. Honestly, I was confused."

Natahimik ako saglit tapos nagsalita muli si Erik.

Scripted RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon