Chapter 53

151 4 0
                                    

CHAPTER 53

ROSE

Nagulat talaga ako sa 'paglaglag' sa akin ni Racky. I was caught off-guard! Sabihin ba naman kay Erik ang mismong kinuwento ko sa kanya na kinuwento sa akin ni Erik? Naku! Minsan talaga, hindi ko mapigilan si Racky sa pagiging truthful niya.

Pagkatapos ng tour around sa Our Lady of Manaoag Basilica, bumalik na kaming lahat sa bus para pumunta sa destination namin. Nabanggit ng class adviser nina Racky na stopover lang ito at ang susunod na pupuntahan namin ang main destination. Nakita kong tuwang-tuwa ang mga estudyante for some particular reasons. Ang nakakapagtaka pa, masayang-masaya rin si Erik. Bakit kaya? Tanong ko sa sarili ko.

After forty-five minutes ng pagbabasa ng Law on Partnership and Agency sa aking iPad, tumingin ako sa labas upang tingnan kung nasaan na kami. Nagtaka ako kasi pamilyar ang daan na tinatahak namin. Inalala ko kung anong lugar na ito. Natagpuan ko na lang ang sagot nang pumasok sa isang off-road ang bus. Ang off-road na iyon, without a doubt, ay nadaanan na naming ni Erik.

Tumingin ako kay Erik for confirmation pero abala siya sa pakikipaglaro kay Racky ng pendong peace. Iba rin itong si Erik. Ang galing makipagsabayan sa mga kabataan.

Then, the class adviser announced: "Everyone, we are now entering the Dela Rosa Estate!"

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko. Sabi na nga ba! Ito ang lugar kung nasaan ang mala-haciendang rest house nina Erik! Nanlamig ang pakiramdam ko kung saan naghalo ang kaba at pagpipigil.

Tinapik ako bigla ni Erik sa aking braso. Di ko napansin na tapos na pala silang maglaro ni Racky. Tumingin ako sa kanya. Napansin niya na kabado ako.

"Relax, Rose. It's not like you're going here for the first time." Sabay ngiti sa akin na parang may masamang balak.

Gusto ko siyang batukan dahil parang nang-aasar pa siya. Hindi man lang kasi sinabi sa akin na pupunta kami dito. Hindi ako prepared!

Huminto ang bus malapit sa labas ng rest house nina Erik. Mula sa malayo, natanaw ko na naghihintay si Gardo kasama ang ilan sa mga kasamahan niya.

"Okay, everyone," pag-anunsiyo muli ng class adviser. "Just like what we did in Manaoag, we shall go out of the bus by row."

Sumunod naman ang lahat sa instruction although this time, parang nag-uunahan ang lahat sa excitement. Hindi ko alam kung bakit sobrang excited silang makapunta dito sa hacienda nina Erik. May na-miss ba akong memo at parang ako lang ang clueless sa mga nangyayari?

Nang makababa na ang lahat, nagsanib ang grupo ng Bus Number One at Bus Number Two patungo sa harapan ng rest house nina Erik. Inalalayan ko sa Racky sa paglakad habang hawak naman din siya ni Erik sa kabila.

"Everyone, we are very fortunate and privileged to set foot here in the Dela Rosa Estate," sabi ng class adviser nina Racky. "As we all know, the Dela Rosas own the acclaimed Inspire Restaurants. But... We are most honored because the Vice President of Inspire Restaurants is with us today. Let's give it up for Mr. Erik Dela Rosa!"

Nagpalakpakan ang lahat. Lumapit si Erik sa tabi ng class adviser para makita ng lahat.

"Maraming salamat, Ms. Cruz," smiling Erik na pagpapasalamat. "And thank you everyone for being here. Though, there's no need to call me 'Vice President'. Because today, I will be your most inspiring tour guide in the place where the inspiration of our Company was built. Welcome to the Dela Rosa Estate!"

Nagpalakpakan muli ang lahat, this time, with hiyawan mula sa mga estudyante. Mukhang looking forward ang lahat sa pagpunta nila dito. Lumapit ako kay Racky at bumulong ako sa kanya.

Scripted RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon