Chapter 54

134 2 0
                                    

CHAPTER 54

ROSE

Hindi ko napigilang ngumiti dahil pag-uusap nina Erik at Racky. Na-touch ako dahil sa hiling ni Racky kay Erik na magkabalikan kami. Nakakaantig ng puso. Nakita ako ni Erik na naglabas ng maliit na ngiti. Sa instance na iyon, hindi ko tinago iyon kay Erik. Pinalis ko na muna ang mataray at iritableng persona ko. Let things flow na lang para masaya.

Pagkatapos noon, pumunta na kami sa mahabang mesa na hinanda para sa pananghalian. Papunta na rin doon ang mga estudyante at ang kanilang parents and companions. Habang naglalakad kami, nakita kong hawak ni Erik ang kamay ni Racky. Napansin kong bagay silang maging mag-kuya (of course, after ni Romeo).

Masayang-masaya ang lahat dahil sa unique na tanghaliang iyon. Kumakain ng nakakamay at may sharing-sharing pa. Masarap din ang hinanda nina Tita Nang na pagkain. Tinulungan ni Erik si Racky na makakain gamit ang kamay. Habang ako naman, pinuntahan muna si Tita Nang para kumustahin siya. Of course, tuwang-tuwa si Tita Nang na makita ako muli dito sa rest house nina Erik.

"Kumusta na kayo ni Erik?" Tanong ni Tita Nang sa akin bigla. Ngumiti na lamang ako bilang sagot. Ngumiti sa akin si Tita Nang. Parang nagkaintindihan na kaming dalawa.

Iniwan muna si Tita Nang dahil ilalabas na niya ang iba pang pagkain. Mukhang gutom na gutom kasi ang lahat at paubos na ang unang batach na inihain nila. Pumunta ako sa tabi ni Racky na patuloy lang sa pagkain. Dadakot na sana ako ng pagkain nang biglang pinigilan ako ni Racky. Nagtaka ako. Tumingin siya kay Erik.

"Kuya Erik, papatulong daw po si Ate Rose sa pagkain. Hindi siya magaling kumain gamit ang kamay niya."

Nagulantang ako sa sinabing iyon ni Racky.

"Hindi na. Kaya ko na ito," sabi ko sa kanilang dalawa. Naka-ngiti lang sa akin si Erik habang pinipigilan pa rin ako ni Racky.

"Kuya Erik," tawag muli ni Racky sa kanya. Ano ba, Racky? Kaya ko na ito!

Kumuha si Erik ng pagkain saka tinungo ito sa aking bibig. Naka-ngiti pa rin itong si Erik. Nag-isip ako kung kakainin ko ba o hindi.

"Ate Rose," tawag naman sa akin ni Racky, parang sinasabihan ako na sumunod sa kanya.

Napabuntong-hiniga na lang ako. Binuka ko ang aking bibig sa kamay ni Erik na may dalang pagkain, saka niya sinubo sa akin ang pagkain sa kanyang kamay. In all fairness, ang sarap ng pagkain nila. Napapalakpak sa tuwa si Racky. Hay, Racky! Kung hindi lang kita kapatid.

Tuloy-tuloy kami sa masayang pagkain. At some point, napapatingin ako kay Erik. Tumitingin naman si Erik sa akin nang nakangiti. Napapangiti rin ako sa kanya. Nangungusap ang aming mga mata habang nagtitinginan. Sinasabi ko sa kanya na napapasaya niya si Racky, the same way na napasaya niya ako noon. Ang nakakatuwa lang, after ng ilang tinginan namin, biglang nabilaukan si Erik. Marahil sa sobrang tuwa rin niya sa mga panahong iyon kaya hindi niya nailunok ng maayos ang kinakain niya.

Matapos ang boodle fight, nagpahinga muna ang lahat sa loob ng rest house. Susunod na kasi ang mga hinandang activities nina Erik. Tuwang-tuwa at hindi na makapaghintay itong si Racky. Sa bagay, first time ba naman niyang makakaranas ng barrio games.

Makalipas ang ilang sandali, tumayo na si Ms. Cruz para masimulan na ang barrio games.

"As a sign of gratitude to us by the Dela Rosa family, they prepared some barrio games for us to enjoy."

Naghiyawan sa galak ang lahat ng mga estudyante kasi never naman nangyayari ang ganitong palaro during field trips. Hinanda na ng lahat ang kani-kanilang mga extra shirt at shorts dahil magiging madumi raw ang games na ito. Ito pa nga ang nagpapasaya sa kanila, sa isip-isip ko.

Scripted RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon