ROSE
Dalawang araw ako na nagkulong sa kuwarto. Pagkarating ko noong isang gabi mula Pangasinan, hindi ko kinausap sina Daddy at Mommy who was watching a movie with Racky, Romeo and Tita Gina. Hahabulin sana ako ni Daddy pero nakita kong pinigilan siya ni Mommy. Alam kong naintindihan na ni Mommy ang lahat at maiintindihan iyon ni Daddy.
Hindi ako nag-kuwento kay Daddy at Mommy dahil hindi ko feel pag-usapan. Buti na nga lang, hindi rin tinatanong ni Daddy at Mommy. Siguro dahil na rin sa pinapakita ko sa kanila na okay lang ako. Ayaw ko munang sabihin sa kanila ang ginawa sa akin ni Erik. Baka iyon pa ang maging mitsa ng pagbabago sa tiwala ni Daddy kay Erik. Ayaw ko parin siyang masira kay Daddy.
Ngayon umaga habang nakatitig ako sa kisame ng kawalan, inaalala ko ang mga nangyari noong isang gabi at ramdam na ramdam ko pa rin ang sakit ng mga pangyayari. Paulit-ulit kong naririnig sa isip ko ang mga salitang binitawan ni Erik: We are done. That was the deal. The deal’s done.
“May nagawa ba akong mali kaya nangyari iyon?” Tanong ko sa aking sarili habang may tumulo na namang luha mula sa mata ko. “Ito ba ang kabayaran sa lahat ng mga pagkakamali ko? Sabihin mo naman sa akin ang sagot.”
Nag-shift ang mood ko into anger. “Wala akong kasalanan! Wala naman akong ginawa para masaktan si Erik. Ako pa nga itong mukhang tanga na umiintindi sa kanya. Siya ang hindi makaintindi!” Sumimangot ako sa galit.
Then, naging malungkot ulit ako. “Pero bakit nga ba niya nagawa sa akin iyon? Bakit niya ako iiwan na lang nang basta-basta? Yung deal lang ba talaga ang dahilan?”
Sa kalagitnaan ng pakikipag-usap ko sa aking sarili, may kumatok sa pinto ng kuwarto ko.
“Rose, can we come in?” Boses ni Rachel.
Hindi ako sumagot. Bumukas ang pinto at nakita kong naroon si Rachel at Lenny. Pumasok silang dalawa (si Lenny ang nagsara) at lumapit sila sa akin. Naupo si Rachel sa kaliwa ko habang si Lenny naman sa kanan.
“Halika nga dito,” alok ni Rachel tapos ay niyakap niya ako. Niyakap din ako ni Lenny. Napaluha tuloy ako dahil sa ginagawa ng mga kaibigan ko ngayon.
“Sinabi sa amin ni Tito Edgar at Tita Eloisa na galing ka ng Pangasinan para makipagkita kay Erik. Pagkauwi mo raw, umiiyak ka. Obviously, may naganap sa inyong dalawa ni Erik.” Paliwanag ni Lenny.
Huminga muna ako nang malalim bago sinimulan ang kuwento. Sinabi ko sa kanila ang lahat nang nangyari sa pagkikita namin ni Erik: mula sa ‘I Will Never’ game hanggang sa iwan ko siya dahil nakipag-break siya sa akin. Bawat parte, may stop time ako kasi hindi ko mapigilang ilabas ang sakit at sama ng loob ko.
“…muntik pa nga akong maaksidente,” patapos kong kuwento sa kanila. Napatawa ako ng bahagya dahil sa katangahan kong muntik maaksidente.
“Hindi ko alam kung bakit, kung paano. Pero yun ang nangyari. Tinapos na niya.” Dagdag kong sabi sa kanila.
“Besty,” panimula ni Rachel. “Panigurado may dahilan. Walang hiwalayang naganap sa kasaysayan ng mga nagmahalan nang walang dahilan.”
“It was a deal. After two months, you’ll end your pretend relationship?” Tanong ni Lenny.
Suddenly, it hit me. Napatingin ako kay Lenny.
“Ulitin mo nga ang sinabi mo,” sabi ko kay Lenny.
“It was a deal. After—“
“Wait lang.” Pagsingit kong sabi sa kanya.
It was a deal, right? Inalala ko ang sinabi ni Erik, that’s our deal, right? We will be together for two months in a pretend relationship. The two months already passed. We’re done. Iyon ang mga exact words niya. Inisip kong maigi ang mga bagay-bagay. Tapos, unti-unting lumabas ang ngiti sa aking mukha for the first time since kagabi.

BINABASA MO ANG
Scripted Relationship
RandomGusto ni Rosalinda Mercedes Mendoza a.k.a. Rose na maging isang scriptwriter para sa pelikula. Kaya nagpasya siyang magsulat ng isang romantic love story as a start. Ngunit, may isa siyang problema: Never pa siyang nagkaroon ng boyfriend! Paano siya...