ERRORS AHEAD!
Maria Clara's POV
I've been here for two weeks now, ngunit sa loob ng dalawang linggong iyon ay wala akong nalaman bukod sa nasa malayo akong lugar, together with the people I'm starting to trust.
My first week was adjusting, and stressful, may mga oras kase na nagigising ako mula sa nakakatakot na panaginip. Pakiramdam ko kahit nasa malayo na ako ay sinusundan parin ako ng mga alaalang iyon.
I sighed, Valeriox, Alken and Isaac. Their names. Mga taong hindi ko inaasahang dadamayan ako sa mga panahong ina-atake ako ng anxiety. Tinuring ko na silang matatanda kong kapatid na lalaki pero sa loob loob ko ay may nagpoprotesta roon.
Umiling ako, sa ilang linggo ko dito ay natuto na akong memorisahin ang bawat sulok ng bahay. Napakalaki, hindi ko alam kung gaano basta sobrang laki. Nakilala ko na din iyong mga kasamahan nilang tatlo na sila kuya Kohei, ate Gab at ate Phyllis maging si Aunt Yk. Napakabait nila. Minsan nakakahiya dahil pakiramdam ko pabigat na ako.
Mahigpit ang hawak ko sa aking bagong walking stick. Masaya ako dahil sa wakas pinayagan nila ako na maglakad mag-isa ng walang naka-alalay. No'ng una'y mabilis silang tumanggi sa kagustuhan kong iyon pero sa huli ay napagbigyan din ako.
Ayoko kaseng maging pabigat lalo, kung kaya ko naman ay magagawa ko ng ako lang. Nangangapa akong lumabas sa silid. Sa dalawang linggo ko dito'y halos alam ko na din ang pasikot-sikot. Nagpapasalamat ako kina ate Gab at ate Phyllis dahil tuwing nagkakaroon sila ng oras ay inaalalayan nila ako.
Hindi ko alam kung ano ang trabaho nila. Araw araw kase silang umaalis.
Nang marating ko ang lugar ay mabilis kong binuksan ang pintuan. It made an eerie sound. Nakakakilabot pero dahil na din siguro sa halos buong buhay ko'y madilim lang ang nakikita ko hindi na ako nadadala sa takot. I've beenqq in the darkest point of my life, kung saan tila walang sumusiwang na liwanag para makaligtas pa.
Napakurap-kurap ako. amdam na ramdam ko ang mainit na likidong nahuhulog mula sa aking mata. Sumikip ang aking dibdib.
Ilang beses ko mang kumbinsihin ang sariling huwag na lamang isipin iyon ay hindi ko pa din kaya. Masakit parin talaga. Hindi na nga ata iyon mawawala pa, naka-ukit na iyon sa puso't isip ko.
Umupo ako sa malambot na upuan. Bumuga ng mabigat na hininga at binuksan ang cover ng isang instrumentong kinahumalingan ko noon pa man.
I placed my fingers on the piano keys and start humming the tone of Beethoven's moonlight sonata.
Noong mga bata pa kami ni Sandy. Walang pinapaburan iyong parents namin kundi siya. Lahat ng hilingin niya binibigay ng walang pagdadalawang isip. While me.. ni hindi man lang naranasang magkaroon ng sariling gadget, damit, maging pag-aaral sa isang eskwelahan ay pinagkait rin sa'kin.
I was homeschooled. Ilang taon lang naman 'yon dahil nang maganap ang aksidente ay tila isa akong walang halagang pinabayaan nalang.
Umagos ang luha ko. If only there's a replay button, I would choose not to be born than suffer from this lifetime.
Kinalma ko ang sarili matapos ang isang buong kanta. Nararamdaman ko na naman kase ang takot at pagkabahala. I'm afraid I might breakdown again. Ang hirap.
BINABASA MO ANG
Their Wild Obsession (Completed)
Romance[A MAFIA NOVEL] They, who owned a venomous eyes will also own the blind Maria Clara. Warning: THIS STORY IS WRITTEN IN TAGLISH