Chapter 3

23.6K 610 89
                                    

TRIGGER WARNING: The scenes you'll read below contains violence, abuse and sexual harassment. Please be reminded that this is purely fictional, walang katotohanan. If you are sensitive to handle this then better skip or leave. YOU HAVE BEEN WARNED.

Maria Clara's POV

A family is not just called by blood, because one can still call it a family even if it is not blood related. As for me, it was indeed true, because I have no one beside me right now aside from Nanay Selya. We may not be blood related but I treated her as my family. A family who never turns her back to me even in my down times.

"Tayo na, anak?"

Tumango lamang ako sa anyayang iyon ni Nanay. I know it's hard, but I need to let everything go in order to survived. I may not seeing anything aside from darkness, but I believed that something ahead of me is wonderful. I just have to be positive even when the world kept throwing me negativities.

Dala dala ang mga importanteng gamit ay naglakad kami ni Nanay papunta sa sakayan ng jeep. Kailangan naming mag-madali dahil tanghali na din at malayo pa ang babyahiin namin papuntang probinsya.

"Nanay, saang probinsya po ba ang inyo?" Tanong ko kay Nay Selya nang nasa loob na kami ng bus.

Hindi pa ito umaandar dahil nagtatawag pa ng pasahero iyong konduktor niyon.

"Ihahatid tayo nitong bus sa daungan ng barko, anak. Alas tres kase ay may babiyahe papuntang Cebu kung saan ang probinsyang kinalakihan ko."
Sagot ni Nay Selya.

Napatango ako.

Dulot ng maagang biyahe ay tila napagod ang utak ko. Siguro dahil na din sa pwersahan na pagpapaalis sa amin sa dating bahay. Sumandal ako sa balikat ni Nanay at hindi namalayang nakatulog na nga ako.

Nagising ako nang marinig ang mahihinang hagulhol, maging ang mahigpit na yakap ni Nanay Selya sa tabi ko ay nakaka-pagtaka din.

"N-Nanay? Ano pong nangya-"

Hindi ko natapos ang sasabihin ng bigla na lamang may malamig na bagay na tumutok sa noo ko.

"Tayo!" Nanlaki ang mata ko sa sigaw ng hindi pamilyar na boses.

Doon ako nagsimulang bundulin ng kakaibang kaba. Nangangapa, nanginginig at ramdam ko ang takot na unti unting nabubuhay sa loob ko. Hindi ko kilala ang taong ito, pero tila naiintindihan ko na ang mga nangyayari.

"H-Huwag.." Dinig kong makaawa ni Nanay.

Napadaing ako nang mabilis akong hinawakan nong estrangherong lalaki, maging ang boses ng mga tao sa loob ng bus ay mahahalataang nagpipigil.

"N-Na-ugh!" Unti unting lumaylay ang katawan ko nang maramdaman ang pagsuntok sa aking sikmura.

"M-Maria Anak!"

Naluluha ako sa sobrang sakit, napakahirap lalo pa't wala akong nakikita sa paligid pero nasisiguro kong masasamang tao ang mga ito.

"N-Nay.." pilit kong kinakapa ang paligid, hinahanap ang mga palad ni Nanay Selya.

Nakahinga ako ng maluwag nang yumakap ang pamilyar niyang katawan sa akin, kapansin pansin ang panginginig niyon sa takot.

Their Wild Obsession (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon