Errors ahead.
Maria Clara's POV
"How are you feeling po?"
Hindi ko maiwasang makaramdam ng pag-aalala. Kahapon lang nangyari iyon pero dahil hindi parin nawawala ang konsensiya sa loob ko kaya ngayon ay nanatili ako sa bahay at ina-alagaan si Valeriox.
Nakahiga ito sa kama at nagpapagaling. Akala ko nga ay mabuti na ang kalagayan nito kagabi pero bigla ulit itong nawalan ng malay.
Sabi naman daw ng doctor ay kailangan lang nito ng pahinga at dapat iniinom nito ang gamot upang tuluyang mawala ang iilang pantal sa katawan nito.
Sumalubong sa'kin ang namumungay nitong mata at nagpakawala ng nakakapanlambot na ngiti.
"Now feeling better 'cause why not? I have an amazing nurse right here."
Naramdaman ko ang pag-init ng magkabila kong pisngi dahilan para humalakhak ito ng mahina.
"You didn't go to school?" Tumango ako sa tanong nito. "Why is that?"
Hindi ko napigilan ang sariling labi na ngumuso kaya para mapansin ko ang paningin nito roon.
"A-Ano.. na-g-guilty kase ako, saka gusto ko ding alagaan ka para makabawi ako." Nahihiyang saad ko, mas lumaki ang ngiti nito.
Isang singhap ang kumawala sa'king labi nang pumalibot sa bewang ko ang parehong braso nito at mas inilapit pa ako sa kaniyang katawan.
"Hmm.. don't be, besides I felt better now."
Tumango na lamang ako. Nang tumuntong ang tanghalian ay medyo magaling na ito, kaya kahit ayaw ko ay pinilit nito akong manood ng movie sa theater room ng mansyon. Maliit lamang iyon, hindi kagaya ng normal na cinema ng mall na nababasa ko lang sa libro noon.
"What do you wanna watch, doll?"
Napalunok ako, ayon na naman ang kakaibang pakiramdam tuwing maririnig ko ang iba't ibang pangalang itinatawag nito at ng dalawa pa sa akin. Kay lambing niyon at masarap sa tainga, minsan ay gusto ko na lamang parati nila iyong ibibigkas dahil natutuwa ako.
Lumapit ako doon sa vintage rack shelf at pumili ng dvd tape na isasalang. Napangiti ako ng mapansin iyong medyo dark ang background kung saan may isang lalaking nakahawak sa mukha ng babaeng may maskara.
"Ito oh, mukhang maganda,"
nakangiti ang mga labing baling ko kay Valeriox.Tumiim ang titig nito sa'kin, lumulunok bago muling binalingan iyong hawak ko. Nagtataka naman ako sa kaniyang itsura.
"A-Anong problema?"
Nahihirapan itong bumuga ng hangin at ibinalik iyong hawak ko sa lalagyan. Napanguso ako, hindi maintindihan kung bakit siya nagkaganon.
"365 days is not good for you, baby doll," kapagkuwan ay kumuha ng iba doon sa lalagyan bago isinalang sa dvd player.
Wala akong nagawa kundi ang umupo sa tabi nito, hawak hawak ang isang box ng popcorn na pinabili pa nito sa isang tauhan kanina.
"What is love? Alam mo ba 'yon?" Maya maya'y tanong ko sa katabi habang nasa malaking screen parin nakatutok ang tingin.
Hindi ko kase iyon maintindihan, lalo na at iyon ang tinatanong ng bidang babae. Kinikwestyon kase nito ang sarili kung bakit ba ito nag e-exist sa mundo kung parati lamang itong sinasaktan ng lahat ng lalaking minahal nito. Tuloy ay hindi ko maiwasang magtanong kung ano nga ba ang ibig sabihin ng salitang pag ibig, o kung paano nating masasabi na tayo ay umiibig na sa isang tao.
BINABASA MO ANG
Their Wild Obsession (Completed)
Romance[A MAFIA NOVEL] They, who owned a venomous eyes will also own the blind Maria Clara. Warning: THIS STORY IS WRITTEN IN TAGLISH