Chapter 57

10.7K 433 114
                                    

Errors ahead!

Maria Clara's POV

I had a dream last night, no—it was a memory. Habang tumatagal ay unti unting bumabalik ang alaala sa'kin at palala ng palala iyon. Natatakot ako sa posibleng maging epekto niyon sa'kin.

"Ma'am, ito na po ang pinapakuha niyo."

Nakahinga ako ng maluwag nang makita ang may katandaang ale. Ngumiti ako rito at nagpasalamat bago iyon inabot. Ito ang caretaker ng resort, mabait hindi kagaya ng mismong may-ari.

"Napakaganda niyo ho, ma'am. Manang mana kayo sa nanay niyo."

Natigilan ako, kalaunan ay nagpilit ng ngiti. Katulad ng kagustuhan ko ay hindi ko na nga napapansin ang babae sa loob ng bahay. Nawala ito bigla matapos ng nangyari nong nakaraan.

Nasa isa akong private resort na nakatayo sa isang isla malayo sa kabihasnan, malawak ang buhangin maging ang karagatan. Nagpapasalamat ako dahil kahit papaano ay sinusunod ng babae ang kagustuhan kong hindi ito makita kahit na nararamdaman kong nasa isla pa rin ito kasama ko.

"Kuha po kayo." Aya ko sa kinakain.

Mabilis itong umiling habang hindi nawawala ang ngiti sa labi.

"Hindi na ma'am-"

"Maria nalang po."

Ngiti lang ang naging sagot ng ale. Bumalik ang paningin ko sa malawak na dagat, hindi gaanong mainit pero mahangin. I am wearing a simple lacey dress that sways within the wind, maging ang sarili kong buhok ay isinasayaw rin ng hangin.

"Nakikita ko ang lungkot sa'yong mata, nakakapagtaka sapagka't napakaganda na ng nakalahad ngayon sa iyong harapan." Pansin nito, natigilan ako.

Buong akala ko ay wala na ito sa aking likuran. Naroon pa pala ang ale, maaliwalas ang matang nakatitig ngayon sa malawak na dagat.

"Maaari ko bang malaman kung ano ang gumugulo sa iyong isipan?"

Hindi ako nakapagsalita. Imbes na kulitin ako ay bumuga ng hangin ang ale at tumabi sa akin. Ngayon ay pareho na kaming nakatanaw sa malayong dagat.

"Naiintindihan ko kung hindi mo kayang sabihin, pero bilang mas nakakatanda, gusto kong sabihing hindi ka nag-iisa sa labang kinakaharap mo. Sa buhay maraming darating na pagsubok, merong papatatagin ka at pahihinain ka, ang kaibahan lang ay kung paano natin haharapin iyon. Kung susuko ka mahina ka, pero kung pipiliin mong maging matatag tiyak hinding hindi ka ron matatalo. Minsan kase hinahayaan na'tin ang sakit na manaig, hinahayaan na'tin na magtanim ng sama ng loob, at hindi na'tin napapansin na nag-iba na pala tayo, wala na ang dating tayo.. wala na pala ang dating ikaw. Nasasaktan lang naman ang tao hindi dahil ginusto na'tin, kundi dahil sa mismong rason ng pasakit na iyon.

Hindi naman masakit kung wala lang ang taong nakagawa sa atin ng kasalanan, pero ang katotohanan na mismong mahal pa na'tin sa buhay ang nanakit, iyon ang mahirap tanggapin. Pero hindi lang naman roon umiikot ang mundo, hindi lang sa sakit matutuon ang buhay mo, hindi ka lang hanggang diyan kung hindi mo hahayaang manaig ang galit sa puso mo. Sa buhay kahit mahirap, kahit masakit piliin pa rin na'tin ang magpatawad, kase don mo mararamdaman ang totoong kapayapaan. Magiging payapa ang loob mo kase nagpatawad ka, nasa kanila nalang iyon kung gugustuhin nilang magbago o pipiliin ulit na mang-gago."

Hindi ko napapansin na umiiyak na pala ako. Siguro dahil sa hangin na dumuduling sa mata ko sa tagal ng oras kong nakatulala o dahil indenial lang ako na natamaan ako sa sinabi ng ale?

Madaling sabihin, pero mahirap gawin. Hindi ko pa rin kaya, ni tignan ang aking ina ay nasusuklam ako. Sa lahat ng pinagdaanan ko, deserve niya ba talaga na patawarin? Sa lahat ng ginawa ng mga lalaking iyon na minahal ko, deserve pa din ba nila na patawarin?

Their Wild Obsession (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon