Errors ahead.
Mary Odette's POV
Kumunot ang noo ko, ha? Anak? Kahit na nagtataka ay nagpilit ako ng ngiti sa ginang.
"Ah sorry, ma'am, but I don't know you. Pasensya na kung nabangga kita, hindi kase ako nakatingin sa dinadaanan ko kanina." Hingi ko ng pasensya.
Hindi ito nagsalita at naluluha lamang ang mga matang nakatingin sa'kin. I scratch my nape in confusion.
"S-Sige ho, sorry po ulit. Aalis na ak-"
Pero sa pangalawang pagkakataon ay pinigilan na naman ako nito. I almost jump at the sudden contact of our hands.
"S-Sandali a-anak. Let's talk please? I-I know that I've caused you pain and I deserve to be treated like this, but h-hear me out?"
Hala siya. Mas lalo itong umiyak na ikinataranta ko. Pinagtitinginan na kami ng iba at hindi ko alam ang gagawin.
Huminga ako ng malalim at sumeryoso. Hindi ko alam kung anong trip ng ginang na 'to o baka epekto ito sa pagkatalo sa sugal. Or is she one of the gamblers?
"Ma'am, I am not your daughter. I honestly don't remember meeting you at kailangan ko nang umalis dahil may importante pa akong gagawin." I forced a smile, bakas ang simpatya sa mukha ko habang nakatingin sa mata nitong punong puno na ng luha. "I hope you understand, excuse me."
Hindi kona pinansin pa ang sakit na bumalatay sa maganda nitong mukha. Even at her age, she still look beautiful and sophisticated. Para bang nakita kona iyon hindi ko nga lang maalala.
Nakahinga ako ng maluwag nang tuluyan akong makalabas ng hotel. I ride a taxi towards the studio, tiyak ay naroon na din si Janet. Kagaya ng inaasahan ay naroon na nga ito, hindi magkandauga-uga sa pagpaparito't paroon sa mga dokumentong hawak.
Nagliwanag ang mukha nito nang makita ako.
"Oh God! At last you're here, boss!"
"Bakit?"
"Nakakainis, boss! Ang daming clients na pumunta dito kanina, most of them are owners of a real estate and some owned a company. Kaya ito malapit na akong mabaliw sa pag-aayos ng mga dokumento na needed ng pirma mo. I can't with this, boss. Omg hindi na yata ako magkakajowa nito."
Natatawa ako habang pinapanood ang pagkataranta niya at busangot na mukha. Halata ngang stressed na siya do'n. Ganoon talaga tuwing may maraming clients, I needed to require a legal document para may patunay sa gagawin kong orders at para na rin magawa ko iyon sa tamang oras at matapos sa ibinigay na deadlines ng clients ko.
"Amin na 'yang iba. Ilagay mo nalang sa table ko, sandali lang at bibili ako ng kape para sa'tin."
"Itatawag ko nalang 'yan, bo-"
"No need, I can do it. Nasa harap na gusali lang naman ang coffee shop."
Ngumiti ako sa kaniya at muling lumabas ng studio. Pamilyar na aroma ng kape ang bumungad sa'kin pagkapasok sa coffee shop at ang pamilyar na likod ni ginang Mariana.
"Hola!"
Lumingon ito at ngumiti ng matamis sa akin.
"Magandang umaga sa'yo, Odetta! You want the usual?"
Tumango ako at ngumiti. She immediately went to the vending machine and started pressing the coffee button. The usual order I always buy here.
"You look beautiful as always, Odetta. Your husband is very lucky to have you as his wife."
Natigilan ako sa sinabi nito. Kumabog ng mabilis ang puso ko at naalala ang nangyari kanina. Bigla ay nakaramdam ako ng takot, hindi dahil sa nagawa ko kundi takot dahil kahit anong kapa ko sa damdamin ay wala akong guilt na nararamdaman roon. Is it bad?
BINABASA MO ANG
Their Wild Obsession (Completed)
Romance[A MAFIA NOVEL] They, who owned a venomous eyes will also own the blind Maria Clara. Warning: THIS STORY IS WRITTEN IN TAGLISH