ERRORS AHEAD!!
Just like what I've read on their note, hindi ko na talaga sila nakita pa and I was so confused. This is what I want right? Then I should be happy. But I don't know why I couldn't be happy, though I feel so free to walk inside my house any time I want. Kasi alam kong hindi ko sila makakasalubong.
Days went well for me. Walang kumakalampag sa kusina. Wala ring kahit anong tunog na yapak sa kabuuan ng bahay, maliban nalang sa akin.
I tried my best to make myself busy by cleaning and making nonsense things. Kahit alam kong halos kumislap na iyong sahig sa sobrang linis ay nilinis ko ulit. Trip lang ba't ba.
In all fairness naman talagang malinis ang buong bahay. Wala kang makikitang kahit anong dumi, maging ang bawat kawali ay maayos na nakalagay sa dati niyong pwesto. So there's no point in cleaning right? Pero bakit para akong ewan na naglilinis pa rin?
Kahit aminin ko man o hindi, alam ko na ang dahilan. I was only waiting for them to go out and I don't like this version of me.
Napa-upo ako sa couch, problemado.
It's been a week since I last saw them. Isang linggo na rin pa-ulit ulit. Ako na gigising sa umaga, madadatnan ang nakahandang pagkain, at malinis na paligid.
Lalabas lang yata ako ng kwarto para kumain at maglakad-lakad sa labas. Hindi ko rin maitatangging palagi kong inaabangan ang pagbukas ng kani- kanilang silid.
Napahawak ako sa tiyan. Sure akong kaya kong mag-isa, at nasanay na rin naman ako. Pero hindi ako sigurado na makakaya ko pang kasanayan iyon gayong narito sila sa loob ng bahay at pinaparamdam sa'king may maaasahan ako.
Naramdaman ko ang pag-agos ng luha. I smiled painfully. I was waiting for an explanation. Naghintay akong kahit ganoon ang trato ko sa kanila ay may makukuha parin akong paliwanag. Pero wala.
Huminga ako ng malalim bago tinungo ang guest rooms. They are occupying the vacant rooms. Malayo ito sa kwarto ko kaya ganoon nalang ako magliwaliw dahil alam kong hindi ko sila makakasalubong.
I knocked three times on their doors. Sunod sunod at kagaya ng inaasahan ay magkasunod nga rin ang mga iyong bumukas.
For the first time after a week nakita ko ulit sila. Still the same. Ang pagkakaiba lang yata sa ngayon at sa una ay parang mas worst sila ngayon. Yeah they're still good looking pero hindi kagaya noon parang there's something wrong behind those orbs today.
"Ah.." tumikhim ako.
I stilled when my eyes reached their topless body. There are wounds, fresh wounds all over. May maliliit at may malalalim.
Awang ang labing napatingin ako sa kanila.
"W-What.."
Parang noon lang nila napagtantong wala pala silang suot dahil mabilis silang pumasok sa kani-kaniyang silid at bumalik nang mayroon ng damit.
"T-Those are serious wounds." I stated, hoping one of them would explain.
Kahit naman matagal nang tapos yung sa amin ay hindi ko pa rin maiwasang hindi mag-alala. They are staying in my house for goodness' sake. Ano nalang ang mangyayari kung bigla nalang matumba yung isa sa kanila dahil sa mga malalalim na sugat na iyon?
"Do you need anything?" Alken asked.
Mukhang wala yata sa kanila ang gustong sagutin iyong tanong ko kanina. I smiled bitterly.
"To the living room." Pinilit kong maging matigas. "The three of you."
"I've been living the best days of my life for the past months." Panimula ko.
BINABASA MO ANG
Their Wild Obsession (Completed)
Romance[A MAFIA NOVEL] They, who owned a venomous eyes will also own the blind Maria Clara. Warning: THIS STORY IS WRITTEN IN TAGLISH