Errors ahead!
Continuation..
"Hahaha I didn't know that you can be funny when angry."
Ngisi ang naging sagot ko kay Yunwo nang matapos kaming kumain. I know what I'm doing, ginawa ko iyon dahil intensyon kong inisin ang mga ito. I am completely aware that there's a right etiquette for Italians when cooking and eating pasta.
Italians don't really cut pasta when cooking especially when eating kase nakasanayan na nila iyon at nasa kultura na rin nila ang pagiging well-mannered sa harapan ng pagkain kaya mas ginigil ko sila ng magsimula akong kumain sa harapan kanina. I did used spoon instead of fork which is a very wrong way to eat an italian pasta. It's supposed to wrap around the fork and not the spoon.
"Mm.. it was satisfying."
Napabungisngis ako nang maalalaa ang gutom na mukha ni Sandy, ang windang na mukha ng kaniyang ina at ang hindi makapaniwalang mukha ng tatlo. Nagmukhang kaawa awa ang kanilang itsura sa paningin ko habang nanonood sa pagkain namin, ni hindi ko sila binigyan ng pansin at magana lang na kumain kanina.
I know it's rude, but I find it satisfying, ginaganahan tuloy ako sa araw na ito.
"What would be your next plan?" He asked curiously.
I innocently raised my brow.
"Do I have one? Wala ah." Tanggi ko at inayos ang balabal na nakatakip sa aking balikat.
We are at the gazebo, mahangin dito at amoy na amoy ko ang mabangong halimuyak ng bulaklak sa maliit na hardin.
"Maganda ang panahon, why don't we go beachin'?" Maya maya'y ani ko sa kalagitnaan ng sandaling katahimikan.
Napansin ko ang kaniyang pag-iling.
"You're pregnant, miss." Paalala niya.
Pinandilatan ko sya ng mata at nagkukumahog na inilibot ang tingin sa paligid. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko, nakahinga lang ako ng maluwag nang wala namang napansing ibang tao.
"Huwag ka ngang maingay!"
Natawa sya sa inis na lumarawan sa aking mukha. Mas lalo tuloy nagsalubong ang aking kilay. Ang lalaking ito!
"Takot ka pala e." Asar niya at sinabayan ng pagsipol.
"No way, I'm not." Umiwas ako ng tingin, kahit papaano ay medyo kumalma na ang kaba ko. "Sige, matutulog na lang muna ako."
Hindi ko na hinintay pa ang kaniyang sagot at naglakad na papasok sa bahay. Medyo inaantok din kase ako kahit umaga pa naman. Siguro dahil normal lang ito 'pag buntis?
Buntis, grabe hindi pa rin talaga ako makapaniwalang totoo iyon. Buntis talaga ako at ang nakakainis lang ay nandirito ang posibleng ama nito. Gusto ko na nga muna silang iwasan at makalimot pero ito sila't ginugulo na naman ako.
ALAM kong natutulog ako, ramdam ko 'yong pagod sa katawan kahit wala naman akong ginawa kundi ang kumain. Pero bakit parang iba?
Nangunot ang aking noo nang makaramdam ng kakaiba sa loob ng silid. Alam kong hindi ako nag-iisa, gusto kong gumising at tignan kung sino iyon pero tila ako hinihila ng antok pabalik sa kadiliman.
No! Gusto kong makita kung sino man ito!
Naramdaman ko ang paglubog ng aking hinihigaan. Akala ko ay wala lamang iyon pero nagtataka ako nang may naramdamang malaking kamay na humahaplos sa pisngi ko. Gusto kong yakapin iyon dahil ang sarap sa pakiramdam niyon na nakadantay sa aking balat.
Narinig ko ang sariling napa-ungol dahil sa komportableng naramdaman.
"Beautiful as always."
Ang boses na iyon ay pamilyar, gusto ko ulit na marinig.
BINABASA MO ANG
Their Wild Obsession (Completed)
Romance[A MAFIA NOVEL] They, who owned a venomous eyes will also own the blind Maria Clara. Warning: THIS STORY IS WRITTEN IN TAGLISH