Chapter 34

12.4K 349 54
                                    

Maria Clara's POV

Nang muli akong magising ay nasa isa akong madilim na lugar. Mabilis akong nataranta, hindi ko alam kung ano iyong takot na lumulukob sa'kin.

There's something behind my mind that I can't figure out what, pero wala iyong ibang iniisip kundi takot. Takot ako sa dilim ngunit hindi ko mawari kung bakit ganoon nalang ang takot ko roon.

“Argh!"

Inis kong hinablot ang kamay, pareho iyong nakatali. Kahit anong gawin kong paggalaw ay hindi iyon natatanggal.

I couldn't help but cry in frustration, the feeling that's eating me is familiar. Animo'y bumalik ako sa panahon kung kailan wala akong makita kundi kadiliman.

“Riley! Riley, I don't wanna be here!" Pagsisigaw ko habang lumalakas ang aking iyak.

Nararamdaman ko ang panginginig ng aking katawan. Hindi ko man makita pero pakiramdam ko mayroong hihila sa'kin at sasaktan ako.

“P-Please.. take me out! Uuwi na ako, uuwi na ako!"

Bumukas ang pintuan, sumilaw ang liwanag dahilan para mapapikit ako.

Nakaramdam ako ng tuwa sa pag-aakalang si Riley iyon ngunit tila sinimoy iyon ng hangin nang makita ang isang bulto ng hindi pamilyar na babae. May dala itong tray ng pagkain.

I heard how she turned on the lights. Doon ko nakita na tama nga ang naaninag ko kanina na isang babaeng may dalang pagkain. She seemed on her late 50s based on her white hairs.

“W-Who are you?"

Hindi ito nagsalita, walang mababakas na emosyon sa kulubot nitong mukha.

Bahagya akong napaatras, pinoprotektahan ang sarili sa akma nitong paglapit.

“You need to eat, signorina."

“I'm asking for your name. Why am I here? Why would Riley take me in this kind of place?"

Unti unti akong napayuko nang maalala ang nangyari bago ako nawalan ng malay. Sumikip ang puso ko nang maisip kung paano akong napunta rito.

“We servants don't reveal ourselves to someone higher than us, signorina. Lady Riley wanted you to eat before she come here and see you. Please take this, signorina, I don't wanna lose my job."

Natigilan ako dahil sa nababanaag na sensiredad sa mata ng ginang. Pakiramdam ko ay lumubo ang ulo ko sa kahihiyan, ngunit naroon parin ang pangamba para sa mangyayari sa'kin.

Wala akong nagawa kundi ang tumango. The old lady unchained my right hand as she gently pushes the tray of foods near me.

Hindi na ako muli pang nagsalita dahil ang totoo ay nagugutom na rin ako. Wala akong ideya sa kung ilang oras akong nakatulog para magutom ako ng ganito.

Nang matapos akong kumain ay muli kong binalingan ang matanda. She's just sitting right there, watching me eating with no emotion in her eyes.

Hindi ko maiwasang mapanguso. Para itong weirdo, hindi ko maintindihan dahil pareho ang emosyon nito doon sa mga guwardiya sa mansyon.

“I-I want to talk to Riley.. take me to her please? Gusto konang umuwi."

Ayon na naman ang pagbigat ng dibdib ko sa nararamdamang lungkot. Hindi ko alam kung anong oras na ngayon dahil wala naman akong nakikitang bintana rito at mas lalong hindi na gumagana iyong relong pambisig ko.

Yumuko ang matanda matapos kunin ang mga pinagkainan ko.

“You'll meet her later, signorina. I'll take my leave now."

Their Wild Obsession (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon