Chapter 40

11.9K 314 49
                                    

Errors ahead.

Mary Odette's POV

'Good day, Mr. Toscano. About your proposal.. I'm accepting it.'

Message sent!

"Are you okay?"

I gaze at Gustavo who's busy driving. We are now heading at Mr. Toscano's office. Matapos ko kasing mag-text ay kaagad itong nagreply na magkikita lamang kami sa office nito upang pag-usapan ang ibang detalye sa gagawin naming trabaho and he also want me to sign our contract agreement.

"Yes, but I'm a bit nervous. Maybe because this is my first time working with a well-known person."

Sa trabaho ko kase ay hindi ako kadalasang humaharap sa mga malalaking tao ng bansa. Instead I often encounter those who are shop owners o iyong may-ari lang ng maliliit na negosyong nangangailangan ng designs sa interiors ng shop nila. Mostly kase ay painting iyong dinidisenyo.

He gave me a smile na para bang sinsabi sa akin na kayang kaya kong gawin iyon.

"Well.. alam ko naman na kaya mo." Tanging nasabi niya nalang bago nag-focus ulit sa pagda-drive.

Bumuntong hininga ako at bumaling nalang ulit ang tingin sa labas. Nang makarating sa isang matayog na gusali ay nagsimula na naman akong dambahin ng kaba. Hindi ko maintindihan ang sarili, kinakabahan ako na nagagalak sa kung ano.

Natigilan ako nang marinig ang tawa ni Gustavo.

"Chill, love. Don't get too nervous, I know you can do it well." He winked which somehow calms me.

Mabuti nalang at may Gustavo akong palaging nagpapagaan sa loob ko sa tuwing kinakabahan dahil hindi ko talaga alam ang gagawin kung wala siya.

Ngumiti na lamang ako at tumango. Hindi nagtagal ay nagpaalam narin itong aalis na dahil mayroon daw itong operasyon ngayon.

Isang malalim na pagbuga ng hangin ang pinakawalan ko bago pumasok sa gusali. The building seems like a huge empire of a mysterious man. Napuno iyon ng madilim na aura ngunit hindi ko maitatangging mamahalin ang gamit sa loob.

Sinalubong ako ng isang lalaking makisig at may itsura, nakangiti ang mga matang tumingin ito sa'kin.

"You are really back, Riri."

Nangunot ang aking noo sa sinabi nito. Ano raw?

"Excuse me?"

Umiling ito at nagpakilala sa'kin. Siya daw si Kohei, kanang kamay ni Mr. Toscano. Hindi ko mapigilang pasadahan ito ng tingin. He looks expensive at hindi bagay rito ang trabaho nito sa totoo lang.

"This way, lady." Paggiya nito sa'kin papasok sa isang elevator. "Kanina pa sila naghihintay sa'yo."

Dahil sa huling sinabi nito ay kinabahan na naman ako, maging ang parehong palad ay namamawis narin. Gusto kong magtanong kung ano ang ibig sabihin ng sinabi nitong 'sila' dahil sa pagkakaalam ko ay si Mr. Toscano lang naman ang kakausapin ko.

Nagpilit na lamang ako ng ngiti sa lalaki at pumasok sa loob ng elevator.

"Kumusta kana?" Tanong nito maya maya.

I'm really confused, why does it feels like he knows something about me? Gusto kong magtanong pero pinapangunahan ako ng hiya, baka 'pag ginawa ko iyon ay masamain nito.

"Ah.. mabuti naman," kumunot ang aking noo, hindi kona napigilan ang sariling harapin ito. "Kilala mo ako?"

Makahulugan itong ngumisi, naroon ang kislap ng saya sa mga mata.

Their Wild Obsession (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon