Chapter 33

11.6K 310 29
                                    

Errors ahead..

Maria Clara's POV

Magiliw kong inabot sa taxi driver iyong bayad ko nang makarating sa harap ng Sapori D'italia restaurant.

“Grazie, señore." (Thank you, sir.)

Ngiti lang ang itinugon ng ginoo sa akin. Kaya nang makalabas ay hindi na ako nag-dalawang isip na pumasok sa loob ng resto kung saan naghihintay si Riley.

Hindi ko mapigilang makaramdam ng galak, ilang linggo—ang totoo ay buwan na rin ang nagdaan no'ng huli ko itong nakita kaya hindi ko rin masisisi ang sariling ganito 'yong maramdaman.

Sinalubong ako ng isang hostess na may malaking ngiti sa labi.

“Buon pomeriggio, signorina. Benvenuti in Sapori D'italia. Qualche prenotazione?" (Good afternoon, miss. Welcome to Sapori D'italia. Any reservation?)

Mabilis akong umiling at tumugon ng ngiti sa babae.

“Nope, I'm looking for Riley Silverstein's table."

“Oh.. she's right there, signorina. Let me accompany you."

Nakahinga ako ng maluwag dahil hindi kona pala kailangang isa-isahin ang bawat mesa upang hanapin si Riley.

The resto is not the usual one I've seen on the internet. It is a garden inspired resto and is very obvious that the owner is a nature lover. Even the tables and chairs are well furnished, giving more comfortable ambiance to the place.

“Riley!"

Hindi ko napigilan ang sariling tawagin ito. Kahit nakatalikod ay alam kong siya iyon dahil sa pormahan niyang walang pinagbago. Astig paring tignan.

Masaya akong bumaling sa hostess at nagpasalamat rito. Magiliw din naman itong tumango bago nagpaalam upang tulungan iyong isang staff na medyo busy sa pagseserve.

“Good to see you here, angel." Pagbati niya habang may maliit na ngiti.

“Mm.. me too. Anyway, where have you been?"

Bahagya kong sinulyapan ang kaniyang itsura. Nakakapagtakang makita ang pamumutla sa kaniyang mukha, tuloy ay hindi ko rin mapigilang mag-alala.

Naglumikot ang kaniyang mata, doon ko napagtantong sinenyasan niya ang isang waiter.

“Can I get my order now?"

Bahagya pang sumulyap ang waiter sa akin, hindi ko napigilang makaramdam ng hiya nang ngumiti ito. He's handsome.

“Yes, ma'am. It'll be served in a minute now. Please excuse me."

Nang maglakad ito palayo ay muling bumaling sa'kin si Riley, naroon parin ang walang emosyon niyang mukha na hindi na bago sa'kin.

“I dropped out," kapagkuwan ay bumuntong hininga. “I.. I just have to get over with my problems at home. I don't think I can do that if I keep going to school. It's just so depressing, besides I couldn't focus on my studies."

Natigilan ako, bigla ay nakaramdam ng habag.

“I-I'm sorry to hear that.. I hope you're fine now."

Tumango ito, sandali kaming natahimik nang dumating ang inorder niya kaninang wala pa ako. Tumunog ang aking tiyan hudyat na gutom na ako, tuloy ay namumula ang mukha kong naiangat ang tingin kay Riley.

“Mm.. let's eat first?"

Nagliwanag ang mata ko at mabilis na tumango. I looked at the dishes in front of me, wala sa sariling napadila ako sa labi nang makita ang Scampi, Melanzane alla Parmigiana, and Bolognese na tatlo sa best dishes ng resto.

Their Wild Obsession (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon