Chapter 55

9.8K 312 62
                                    

Errors ahead!

Maria Clara's POV

I raised my brow at Alken. Ang kapal talaga ng mukha. Bahagya akong umiwas at ikinabit ang braso sa braso ni Yunwo. Hindi ko man siya talagang kilala, but I can feel that he's trustworthy.

"Let's go, basura ka daw kase, akala naman niya gold siya diyan." Nakaismid kong bulong at hinila na ang lalaki.

I can even feel Alken's sharp stares at my back pero hindi ko na pinansin pa. Masakit iyong isang buwan nilang tiniis na hindi ako makita, masakit iyong isang umaga parang biglang nagbago ang ihip ng hangin at ayon biglang hindi na ako kilala. I never hated anyone like this, ngayon lang.

"You fine?" Yunwo asked.

Nanghihina akong umiling. "I'm not, but can you accompany me on my way home?"

Walang ano ano'y tumango ito at dinala ako sa isang magarang sasakyan. It was a gray camaro. Makinis at halatang mahal.

"Thank you."

Hindi na ito sumagot pa atpumasok na sa driver's seat.

Napasandal ako sa bintana ng kotse habang nakatanaw sa labas. Naroon pa rin ang lalaki sa labas, nakatayo at madilim ang mukhang nakatitig sa aming sinasakyan. I can even see Valeriox at his back, watching my direction even if it was tinted.

'Why act like that after hurting me?'

Gusto ko iyong itanong sa kanila, mabigat ang loob ko at tila bumabalik sa'kin ang huling araw na magkasama kami, ang araw kung kailan pakiramdam ko dinudurog ako sa nakikitang kislap sa kanilang mata habang nakatitig sa mukha ni Sandy. Iyong bruhang iyon na ngayon ay kasalukuyang naka-angkla ang braso kay Isaac.

Umiwas ako ng tingin nang maramdaman ko ang mainit na tubig na nahulog sa aking pisngi.

'Sinaktan niyo 'ko, magsisisi kayo.'

...


I woke up feeling something inside my stomach, pakiramdam ko mamamatay ako sa sakit kaya napabaluktot ako ng higa sa kama. Mangiyak ngiyak kong inabot ang headrest ng kama upang doon kumuha ng suporta.

It's been two days already, walang gabi na dumaan na hindi ako napapaisip sa mga nangyayari sa buhay ko. I am mad and hurt, gusto kong manisi sa kinahihinatnan ng buhay ko pero hindi ko alam kung kanino.

"Ugh!"

Namalisbis ang luha ko sa sobrang sakit, parang may kung anong kumuyom sa puson ko. Napakasakit at nakakawala ng ulirat. Humihingal na inabot ko ang aking cellphone, halos magkaduling duling pa ako sa pagkalikot niyon.

Gusto kong humingi ng tulong, I don't know what's happening, mas lalong hindi ko alam kung sino ang dapat kong tawagan. Nakahinga ako ng maluwag nang mag ring iyon. Hindi ko alam kung kaninong numero dahil mas mahalagang may makatulong sa'kin agad agad..

Is this some kind of stomach pain? Bakit sobrang sakit? Parang nilulukot ang puson ko at tila may gustong lumabas sa gitna ng mga hita ko.

"H-Hello.." halos maubos ang hangin ko matapos iyong bigkasin.

Hinihingal ako, bawat galaw ko ay inuubos ang natitira kong lakas at kamalayan. For the past two days wala akong ginawa kundi ang gawing busy ang sarili ko, gusto kong may pagkaabalahan upang hindi mag-isip ng kung ano ano. Pero hindi ko pa rin napipigilan ang sariling mag-isip gabi gabi, hanggang sa nauuwi sa pag-iyak dahil pakiramdam ko mag-isa lang talaga ako.

Bakit ganon? Bakit masakit ang bawi ng kasiyahang pinatikim lang sa'kin sa sandaling panahon?

"Wait-are you okay? Hey! Hey, are you okay?!"

Their Wild Obsession (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon