Errors ahead.
Mary Odette's POV
Kohei Russo is the Koko that Kristel was talking about. Just by watching them hugging each other earlier, I can see the love in their eyes kahit medyo nakikita ko ang inis kay Kristel dahil sa kaunting tampuhan nilang mag-asawa. Well it's normal for a pregnant woman to be moody.
I can't believe how small the world is. Talaga bang ako si Maria na tinutukoy ng halos lahat ng mga taong nakikilala ko? Lahat ay hindi ko maintindihan, simula sa relasyon namin ni Gustavo na wala naman akong maramdamang kasiyahan katulad ng normal na nararamdaman ng babaeng kasal sa lalaking kaniyang mahal.
The accident that had happened 5 years ago according to Gustavo, totoo kaya iyon? Was it true that we were high school sweetheart before we got married? And Jaden, how about Jaden? I can feel that I am very much fond of her, mayroon akong naramdamang kasiyahan tuwing nakikita ko siya.
Ginulo ko ang buhok sa sobrang prustrasyon. Kanina pa ako nakatitig sa mga papeles na katatapos ko lang pirmahan. Hindi ko man lang maramdaman ang pamamanhid ng kamay ko sa kakapirma dahil mas masakit ang ulo ko sa kakaisip.
“Okay ka lang ba, boss?"
Naiangat ko ang tingin sa kanina pa sa harapan kong si Janet. Napabusangot ako.
“Janet, anong masasabi mo 'pag ikinasal ka sa isang lalaki tas wala ka man lang maramdamang kahit na ano towards that man?"
Napanganga siya. “N-Na fall out love ka kay sir, boss?!"
Mas lalo akong napabusangot.
“I think I married the man I don't love in the first place, Janet. Hindi ko alam, hindi kona maintindihan dahil wala akong maalalang kahit ano tungkol sa past naming dalawa."
Ilang sandali siyang natahimik, inobeserbahan lamang ako bago umupo sa harap ko at humugot ng hininga.
“If that's so, you need to talk your husband, boss. Sa kaniya mo itanong ang lahat ng mga nagpapagulo sa isip mo."
“Palagi niyang iniiwasang pag-usapan 'yon, Janet. At kung magsasabi man siya ay panay pareho rin sa nauna niyang sinabi. I badly wanna remember anything para hindi na ako mahirapan." Kinagat ko ang labi sa prustrasyong nararamdaman. “Nahihirapan ako lalo na't.."
“Lalo na?"
Sumeryoso ang tingin ko. “Lalo na at pakiramdam ko nahuhulog na ako sa iba," nalaglag ang kaniyang panga. “A-Am I bad for having this feeling to someone who's not my husband?"
UMUWI ako, bitbit ang lakas na loob. Kailangan kong tanungin si Gustavo tungkol sa mga bagay na nagpapagulo sa'kin dahil kung hindi ay baka tuluyan na akong mabaliw.
“Good afternoon, ma'am Mary."
Tinanguan ko ang mga katulong, I was looking for the mayordoma who's Nanang Lala.
“Nanang?"
Mula sa pagpupunas ng alikabok ay umangat ang tingin nito sa'kin.
“Ano 'yon, hija?"
“Nakauwi na po ba si Gustavo?"
Tumango ito at binitawan sandali ang hawak na feather duster upang harapin ako.
“Umuwi iyon kanina hija, pero nagmamadali ring bumalik sa hospital dahil sa natanggap na emergency call."
Nangunot ang noo ko. Gustavo being Gustavo will never accept any emergency call from the hospital once he came home, because he knew there are a lot of resident doctors na naka on duty bago siya uuwi ng bahay. How come na bumalik siya roon? Sobrang emergency ba kaya siya napabalik?
BINABASA MO ANG
Their Wild Obsession (Completed)
Romance[A MAFIA NOVEL] They, who owned a venomous eyes will also own the blind Maria Clara. Warning: THIS STORY IS WRITTEN IN TAGLISH