Errors ahead.
Maria Clara's POV
Mula sa pag-awang ng labi ay isang malakas na halakhak ang namutawi mula sa labi ng lalaki.
Napanguso ako, nagtataka kung bakit ito natawa. Dahil ba sa pagkataranta ko? O dahil hindi nito inaasahan ang tanong kong iyon?
Lumapit si Valeriox sa'kin at pinisil ang tungki ng aking ilong. Mas lalong humaba ang aking nguso.
"Ba't ka po natatawa?"
"Mm.." he smelled me na bahagya kong ikinapitlag, habang ang pareho nitong braso ay naka-ikot na sa aking bewang. "Nah, I just found you cute. Anyways, where have you been, hmm? I don't like you roaming around especially that it was only your first time going out."
"B-Bawal 'yon?"
Tumango ito.
"I thought we're gonna lose you. You almost gave me a heart attack, woman."
Masyadong tutok ang titig nito sa'kin dahilan para mailang ako. Hindi ko gusto na palaging nakatitig ang mga iyon sa'kin dahil nakakahiya.
"I-Ikaw lang?"
"Mm.. the two has something to do so I decided to fetch you myself. Let's go?"
"Ayaw mo neto?"
Natigilan ito at bumaling ang paningin sa hawak kong nuggets.
"A-Ang totoo ay binili ko ang mga 'to doon sa store na 'yon oh." Itinuro ko pa ang tindahan sa hindi kalayuan. "Gusto ko kase mag-bigay ng pang peace offering sa nagawa ko po kaninang umaga. I know that I've hurt you and I thought this would help.."
Isang totoong ngiti ang kumawala sa labi nito na minsanan ko lang makita.
"Of course I would love to have some."
Masaya kong inabot rito ang isang balot niyon na kaagad din naman nitong nilantakan.
Kumunot ang aking noo nang makita ang pagka-gulat at pag-tigil nito sa pag-nguya.
"B-Bakit?"
Lumingon ito sa'kin, hindi ko mabasa ang isinisigaw ng mga mata nito. Bigla ay nag-alala ako.
"H-Hindi ba masarap?"
Gusto ko nalang kutusan ang sarili, baka hindi nito iyon gusto. Bakit ba hindi muna ako nagtanong diba?
Natigil ang pag-iisip ko nang kung ano-ano ng makita ang pagpapatuloy nito sa pagkain. Kahit mismo ang pag-lunok nito ay bilang na bilang ko.
Lumingon ito sa'kin at ngumiti.
"I-I love the taste, baby doll. Thank you."
Binalot ng saya ang aking puso at tumango sa paanyaya nitong pumasok na sa sasakyan. Kahit nahihirapan ito sa hawak na pagkain ay nagawa parin ng lalaking kabitan ako ng seatbelt.
Nasa likuran kami ng sasakyan habang mayroon namang nag da-drive para sa'min.
Habang nasa loob ng sasakyan ay tahimik lamang kaming dalawa. Bahagya ko itong sinulyapan na patuloy parin sa kinakain.
BINABASA MO ANG
Their Wild Obsession (Completed)
Romance[A MAFIA NOVEL] They, who owned a venomous eyes will also own the blind Maria Clara. Warning: THIS STORY IS WRITTEN IN TAGLISH