Errors ahead!
Maria Clara's POV
Masama ang timpla ko habang tumutusok ng pagkain sa sariling pinggan. Sino ba naman ang hindi kung tatlong lalaki ang nariyan at nanonood sayo?
Binitawan ko ang kutsara at kunot noo silang tinignan. Seriously? Wala ba silang pwedeng gawin kundi ang titigan lang ako maghapon?
"Quit staring!" I hissed.
Nanggigigil ako, ngayon ay ako naman ang guguluhin nila? Tumalim ang tingin ko kay Valeriox, seryoso lang ang mukha nitong nakatitig sa'kin.
Ang lalaking ito! Hindi ko pa nakakalimutan ang ginawa nito sa'kin kahapon. Pinabalik ba naman ako sa kwarto ko at pinagbihis ng desente. Alam ko namang revealing iyong swim suit na suot ko kahapon pero understandable naman dahil nasa beach ako.
"Eat up." It was Isaac.
Napangiti ako ng mapait, masama ang loob dahil naalala ko na naman ang kasinungalingan nito noon. Ang sabi niya ay babalikan niya ako, pero hindi na sya bumalik. He's just like the two, liar at paasa.
"Ano ba talagang kailangan nyo sa'kin? Is this one of your tricks again para mahulog na naman ako?" Unti unting nabuhay ang emosyon ko. "Don't you feel tired?"
Sinubukan kong labanan ang sariling emosyon. Himinga nang malalim at lumunok ng kanin.
"We're not doing anything, just eat up. You need that." Buo pa rin ang loob ni Isaac.
"Not doing anything your ass," I tsked, nagsinungaling na nga magsisinungaling pa. "Seriously? Wala na ba kayong ibang magawa at ako na naman ang ginugulo niyo?"
Hindi ko talaga maintindihan kung anong nakain ng mga ito at narito ngayon sa harapan ko. Nasaan ba ang hiya nila? Kinain ba iyon ng dragon at ibinuga sa tuktok ng bundok?
Tinigil ko ang pagkain, uminom ng tubig at tumayo.
"Kung ayaw niyo akong tigilan pwes ako na ang iiwas." Walang gana kong saad at aktong lalakad na palabas ng kusina.
I don't even know where are the others. Parang magic at biglang nawala ang ibang tao sa bahay na ito. Baka nga nalunod na sa dagat.
Natigilan ako nang maramdaman ang isang kamay na humigit sa siko ko. Napatingin ako roon at napansin ang kamay ni Alken.
"What?"
"Hindi ka pa tapos." He said na para bang nagpapaalala.
"Nawalan na ako ng gana."
"Pilitin mo pa rin."
Iniwas ko ang sariling siko. Kunot noo itong sinalubong ng tingin.
"Pwede bang.. tigilan niyo na?" Humihina ang boses ko, ang emosyon ay nabubuhay. "P-Pagod na akong umasa. Can't you see that I'm trying my best to avoid you? Kase ayokong lumambot ulit! Ayokong mahulog sa mga salita niyo kase alam kong wala rin naman iyong patutunguhan!"
Naramdaman ko ang pagkahulog ng luha sa'king mata. Talo ako ng sarili kong emosyon. Ang hirap pala talagang pigilan, ang hirap magpakatigas kase hindi naman talaga ako ganon.
"Pagod na 'ko e.. ngayon inuulit nyo na naman. Ang dali dali nyo lang akong gamitan ng mga galaw nyo, ng mga salita niyo para mahulog na naman ako. Lalambot ulit ako. Tas ano? Bigla bigla at walang pasabing iiwan nyo ulit?" Napatakip ako ng mukha upang itago ang pamamasa niyon. "I-I trusted you, ipinagkatiwala ko sa inyo ang sarili ko kase akala ko kayo 'yong tutulong sa'kin."
"Darling.."
Suminghap ako ng hangin, patuloy sa pagpahid ng luhang walang tigil sa pag-agos. Pagod na ako. I feel like I was getting played. Naalala ko iyong iilan sa nakalimutan kong alaala, nasa loob raw ako ng isang silid, iyak ng iyak at naghihintay ng tulong. May isang lalaking sinisira ang katinuan ko at halos hindi ko masikmura ang sarili sa alaalang iyon.
BINABASA MO ANG
Their Wild Obsession (Completed)
Romance[A MAFIA NOVEL] They, who owned a venomous eyes will also own the blind Maria Clara. Warning: THIS STORY IS WRITTEN IN TAGLISH