NARA/DEMI'S POV
"Demi! Demi!" napatingin ako sa babaeng tumatawag sa akin.
"Demi, papicture naman. Please" maamong sabi nung babae. I smiled to her at nag nod. Kaya itinaas nya agad ang phone nya na nasa camera app na.
'click'
"Salamat" nakangiting sabi ko sa kanya.
"Thank you rin po" sabi nya at tska sya pinaalis doon ng mga guard na andoon.
"Sakay na po kayo mam" sabi nung isang guard habang hawak ang pinto ng sasakyan.
Lumingon muna ko sa mga taong andoon lang malapit sa saksakyan ko at tska kumaway. Puro sigawan ang maririnig mo sa buong paligid at tawag sa pangalan ko. Nang makasakay ako sa saksakyan agad etong isinara nung mga guard sa labas.
"Success na naman ang Fan meeting mo" nakangiting sabi ni Faye.
"Well ganyan talaga pag super star! Hahaha" pagbibiro ko.
"Anyways next week start na ang Concert Tour mo in Asia. Ready ka na ba?" nakangising tanong ni Faye.
"Ready ba saan? Sa performance o sa mission?" nakasmirk na tanong ko.
"Syempre, both"
"I'm born to be ready, Faye" nakasmile na sabi ko.
Halos isang oras lang ay nakarating agad kami sa North Headquaters. Agad naman akong bumaba at dumiretso sa conference room dahil may meeting pa kami at kami na lang ata ang iniintay.
"Good evening Mam" bati nung mga nadadaanan ko. I just ignored them dahil late na kami sa meeting.
"Bilis mong maglakad Nara!" narinig kong sabi ni Faye na mukhang tumakbo na para habulin ako. Di ko na naman sya pinansin dahil andito na kami.
Pagbukas ko ng pinto ng conference room lahat sila andoon na at nalipat ang atensyon sa akin ng pumasok ako. Bakit sa akin lang sila nakatingin kasama ko rin naman si Faye tss.
"Sorry" magalang na sabi ko at umupo sa bakanteng upuan na andoon.
"Late again, Nara" masungit na sabi ni Kuya J.D tinignan ko pa si Faye pero ayun nakaupo na rin wala man lang pumansin sa kanya tss.
"Okay, so kompleto na kaya' mag-start na tayo" sabi ni Kuya Teddy na nasa harapan.
"First is ang debut ng Lyric 5. That will happen in South Sports Arena next month. Second ay ang comeback ng Black Army, it will happen last week of this month, last is" huminto sa pagsasalita si Kuya Teddy at tumingin sa akin.
"Ang concert tour ni Demi na mangyayari na next week" kahalusan din ay napatingin sa akin. Ganun na ba ko kasikat para maexcite sila hahaha.
"This is her first solo mission" dagdag pa ni Kuya Teddy. May mga ilang pinaliwanag pa si Kuya Teddy bago matapos ng tuluyan ang meeting, pero pinaiwan nya ako at ang Black Army dahil may pag-uusapan pa raw kami.
"Kaya mo na ba, Nara?" nag-aalalang tanong ni Kuya Darwin sa akin.
"Oo naman no!" masiglang sagot ko.
"Wag kang masyadong mayabang dyan, Nara" masungit na sabi Kuya Yuri. Napakagat labi na lang ako at inalis ang ngiti sa mukha ko. Bakit ba ang susungit nila ngayon sa akin psh.
"Nara you should be careful and observant sa gagawin mo. This is not an easy task." Paalala ni Kuya Teddy.
"Yes po" alam ko naman nag-aalala sila sa akin but they should trust me.
![](https://img.wattpad.com/cover/272489856-288-k37417.jpg)
YOU ARE READING
LET'S PLAY A GAME
General FictionLET'S START! Life is a game. So, it's Love. Kaya mo bang sumali sa larong ikaw at ang mahal mo ang magkalaban? At ang premyo ay ang sarili mong buhay? O handa kang ibigay ang buhay mo para sya ang manalo? This is a game that there's only ONE WINN...