PHASE 27
Luhan's POV
Tinigil ko sasakyan at tinignan si Nara na mukhang di nya alam na andito na kami.
"Nara" tawag ko. Lumingon naman agad sya sa akin at ngumiti kahit alam kong nahihirapan sya sa nangyayari sa amin.
"Don't be nervous, okay?" sabi ko pa. Nag nod lang naman sya. Baba na sana sya pero pinigilan ko sya bago pa sya magsalita nahalikan ko na sya.
I will miss her dahil di ko alam kung kailan ulit kami magkikita lalo na sa mga nangyayari ngayon.
Nakangiti lang sya nag malayo kami pero niyakap nya pa ko bago ulit sya bumaba at nagsalita.
"I love you, always" sabi nya. Nang makababa sya nagbabye pa sya at naglakad na papunta sa kanila. Halos limang kanto pa bago sa bahay nila dahil ayaw nyang makita ako ni JD.
Hindi ako umalis hanggang sa hindi ko na sya nakita. Ilang minuto pa kong nanatili roon hanggang sa mapagdesisyunan kong umuwi na para alamin din ang totoong nangyari.
Halos isang oras din ang byahe ko mula kila Nara hanggang sa bahay namin. Hindi naman ako madalas dito sa mansion netong mga nakaraang buwan dahil nga sa pagpapanggap ko.
Napataas ang kilay ko ng may maabutan akong mga sasakyan sa mansion at hindi pa ko nakakababa ng matanaw ko na sila Samuel at Kuya Steven. Shit!
Mukhang seryoso ang nangyari para umuwi pa si Kuya Steven. Nakakatandang kapatid sya ni Samuel, kung si Samuel napakabait kabaligtaran naman etong si Steven.
Sya rin ang nagtrain sa akin simula nung malaman kong Mafia heir pala ako. Nung inilayo rin ako ni Samuel sa Mafia sya ang nag take over ng pagiging Leader ng Dark Society.
Iniwan nya lang kami ni Samuel 3 years ago dahil gusto nya raw magpahinga.
"What is this mess again, Luhan Lee?" umpisa ni Kuya Steven. Nag shrug lang ako sa kanya at pumasok na sa loob.
"Except Torres and Salazar, all the heads are here" sabi ni Samuel. Alam ko na naman dahil sa dagsa ng sasakyan sa labas psh.
"Before that, let's talk first" sabi ni Kuya Steven at dumiretso sa opisina ko, samantalang si Samuel umakyat na sa second floor andoon kasi sa dark room yung heads ng Dark Society, conference area namin yun we usually used it kapag may seryosong nangyayari inside Mafia.
Pagkapasok namin di na ko nag abalang umupo dahil di rin naman kami pupwedeng magtagal dahil baka magawala ang mga nasa taas.
"How's Nara?" he asks. Yes, he also knows about us but he never agrees on it pero ayaw nya rin akong pakielaman sa mga desisyon ko.
"She's okay, she's with her family now" sabi ko. Nagnod lang naman sya bago sya ulit magsalita.
"Luhan, you need to end it now. Things getting complicated, sa tingin mo hindi ka matutukoy ng family ni Nara. Alam mong kapag nangyari yun they will not let you live the whole organization will be perished!" sabi ni Kuya Steven you can also feel his anger and I can't blame him.
"Kuya I can't, we can't. You know my plans, right?" sabi ko. Hindi ko kaya mawala si Nara at alam kong ganun din si Nara. We can't just give up.
"Yes, I know but now? It will not work out! The organization need you!" sabi pa ni Kuya Steven at nakita ko na rin na nagform ng fist ang kamay nya dahil sa galit.
"I'm sorry but I can't do that. Just trust me." Sabi ko at lumabas na sa opisina. Hindi ko kayang gawin ang sinasabi nya, we've been fighting this love since the beginning and we can't just give up easily. We have plans and I know it will work out.

YOU ARE READING
LET'S PLAY A GAME
Ficción GeneralLET'S START! Life is a game. So, it's Love. Kaya mo bang sumali sa larong ikaw at ang mahal mo ang magkalaban? At ang premyo ay ang sarili mong buhay? O handa kang ibigay ang buhay mo para sya ang manalo? This is a game that there's only ONE WINN...