PHASE 5
Napabangon ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa mata ko. Tinakpan ko pa ng kamay ko yung sinag ng araw tsaka nagkusot ng mata. Aish, anong oras na ba? Bakit parang tanghali na ata.
'ring, ring, ring' kinuha ko yung cellphone ko na nagriring. It's Raine.
"Nar...Aray!" anong problema nito.
"Bakit ka nag-aaray?" tanong ko pero walang akong natanggap na sagot, narinig ko lang yung boses ni Philip na parang naiinis na ewan.
"Oo na. Hello, Demi hehe" malamang nag-aaway na naman tong dalawa e.
"Oh, bakit?" tanong ko tumayo na rin ako sa kama at tinignan yung oras. Shiz, 11:00 na pala.
"Mabuti gising ka na, mamayang 1:00 na start ng activities nyo ni One diba?" napasapo ako dahil kung di pa ko nagising malamang kinatok na naman ako ni Raine rito
"Oo, sige. Baba na ko. Kasama nyo ba sila?" naririnig ko kasi ang boses ni Samuel na kausap si Philip.
"Oo, inaantay ka namin na magising para sabay-sabay na rin tayong mag-launch" launch agad? Di pa nga ako nagbebreak fast. Kung sa bagay, wala na rin pa lang nagbebreak fast ng ganitong oras.
Sinabi ko na itext na lang sa akin ni Raine kung nasaan sila. Maliligo pa kasi ako, tsaka maaga pa nga ako sa launch hehe. -__-
Pagkatapos kong mag-ayos ng sarili bumaba na rin ako at andoon na din sila sa private room marami na kasing tao dun sa buffet area, kesa kagabi nung kumain kami. Mabuti nga naisipan kong magshades at magcap at least walang nakapansin sa akin.
Pagkarating ko dun sa private room may mga pagkain na at mukhang ako na lang talaga ang inaantay.
"Sorry na late lang ng gising" sabi ko at hinubad na yung cap at shades na suot ko.
"It's okay" nakangiting sabi ni Samuel kaya nginitian ko lang din sya.
"Let's start" masiglang aya ni Raine at nagsimula ng kumain, di na talaga to nahiya.
Sa kalagitnaan ng pagkain namin mabuti naisipan ni Samuel na magsalita ang tahimik kasi masyado parang galit-galit kami.
"I heard nakasulat na kayo ng first song nyo" napatigil ako sa pagsubo at napatingin kay One na nakahinto rin sa pagkain.
"Ahm..."
"How did you know?" napansin ko rin na pahinto na rin sa pagkain yung dalawa.
"I just guess it, since nagpadala kayo ng gitara kagabi sa akin at anong oras na rin kayo bumaba" paliwanag ni Samuel. Ayaw pa sana namin ipaalam na may nagawa na kaming kanta since hindi pa naman sya finalize, we decided kasi na maging hands-on sa collaboration para mas maging maganda.
"Sana po di pa alam ni Kuya Teddy" nakangiting sabi ko kay Samuel kaso parang nagulat ata sya sa sinabi ko at di na nakapagsalita.
"He already told it" sabi ni One at napailing na lang na nakatingin kay Samuel at bumalik sa kinakain.
"I'm really sorry. Kung ayaw nyo munang ipaalam that's okay. Sasabihin ko na lang din kay Teddy" sabi ni Samuel nung nakarecover na sya sa shock. Tumango na lang ako at nagpatuloy sa pagkain. Wala na rin naman kaming magagawa they already know.
Pagkatapos namin kumain ay dumiretso muna kami sa kwarto para kunin yung mga dadalhin namin. Maghihi-king kasi kami ngayon, well hindi naman ganun kataas yung bundok kaya sabi nila ayos lang na magstart ng hapon para rin daw wala kaming kasabay na umaakyat.

YOU ARE READING
LET'S PLAY A GAME
General FictionLET'S START! Life is a game. So, it's Love. Kaya mo bang sumali sa larong ikaw at ang mahal mo ang magkalaban? At ang premyo ay ang sarili mong buhay? O handa kang ibigay ang buhay mo para sya ang manalo? This is a game that there's only ONE WINN...