PHASE 9 (Music Show)
"Si Tiffany yung kasabay mong magpeperform, Nara" sabi ni Raine sa akin pagkatapos nya kong make-upan.
"I know" hindi ko alam pero ang init ng dugo ko dun sa Tiffany na yun well ganun din naman sya sa akin kaya nga kapag naglabas ako ng album maglalabas din sya. She wants to prove that she is better than me, unfortunately she can never beat me.
"Nakita ko na kanina yung votes as of now, ikaw ang nangunguna even in physical sales." Sabi pa ni Raine. Andito kami ngayon sa isang music show kung saan aawardan yung no. 1 song for this week.
"Good" sabi ko na lang at naupo roon sa sofa. After nung himatay incident ko sa headquarters gusto sana nila kong pagpahingahin muna kaso hindi ako pumayag pag nagpahinga kasi ako at manatili sa bahay mas lalo lang akong guguluhin ng isip ko. Isa pa sinabi na rin sa akin nung doctor ko na hangga't maari wag ko ng pilitin alalahanin yung nawala kong memories, babalik din naman daw yun in time baka raw kasi mas mapasama kong pipilitin ko. Tsaka yan din sabi sa akin ni Kuya nun. Kaya eto back to work ako, mas okay na to kesa naman wala akong ginagawa.
Ilang minuto pa yung hinantay namin hanggang sa magsimula na yung show. May mga ilang nagperform pa para sa debut at comeback nila after nun si Tiffany na.
Well sikat din naman talaga si Tiffany pero kagaya nga sa isang kastilyo kailangan may isang reyna lang at ako yun hahaha. Dalawang kanta yung pinerform nya yun kasi ang mga nagtop ngayon week, ako naman isa lang, yung 'Forget' lang. Pagkatapos ng performance ko umakyat ulit si Tiffany para sa announcement nung mananalo.
"Forget by Demi!" sigaw nung Emcee. Inabot naman sa akin yung award at may paconffeti pa si Mayor, nagshort speech din ako at pagkatapos nun ay nagpunta na kami sa back stage.
"Demi, may photoshoot ka pa. Mamayang 2:00PM, daan muna tayong headquarters" sabi ni Raine habang naglalakad kami pabalik sa dressing room.
"Demi!" narindi ang tenga ko dahil sa sigaw nung Tiffany na yun.
"Congrats" nakangiti nyang bati sa akin. Plastik, irecyle ko kaya to may magbabago kaya sa ugali nito.
"Alam mo hindi pa kasi talaga namin na popromote ng maayos yung album ko, but I am thankful na nakapasok pa rin sya sa chart at nag-top pa ngayon week" sabi nya. Who cares? Wala naman nagtatanong pabida. Sabunutan ko to e.
"I see" nakangiti ko lang sabi. Ngiting plastic, dahil gustong-gusto ko na syang itapon sa Devil's triangle.
"You know what ang busy kasi ng schedule ko ngayon kaya hindi kita masyadong nacocontact and may celebration ba kayo para sa award mo ngayon? Naku, gusto ko sanang pumunta para makabonding ka kaso I am really busy. Sorry" what the! Alam nyo kong pwede ko lang gamitin yung mga fighting skills ko sa kahit saang bagay kanina pa to wala sa harap ko. Tsaka wala naman akong number nya at mas lalong wala akong balak ibigay sa kanya yung number ko at ano raw? Party? Palibhasa gawain nya yun kahit maliit na award nagpapaparty na tss.
"It's okay, I understand" pilit kong ngiti. Sakyan lang muna natin kahibangan nito but still I really want to slap her arggh.
"Oh, you're so kind talaga" sabi nya at akmang yayakap at syempre dahil maraming tao sakyan lang natin. Niyakap ko rin sya pero nung bibitaw na sya, di ko muna sya binitawan. This is the right time.
"I am not here to play with you Tiffany baka hindi mo magustuhan kapag ako na ang naglaro, know your place or else ako mismo ang maglalagay sa dapat mong kalagyan at sigurado kong hindi mo magugustuhan yun." pabulong na sabi ko at binitawan sya sa pagkakayakap.

YOU ARE READING
LET'S PLAY A GAME
General FictionLET'S START! Life is a game. So, it's Love. Kaya mo bang sumali sa larong ikaw at ang mahal mo ang magkalaban? At ang premyo ay ang sarili mong buhay? O handa kang ibigay ang buhay mo para sya ang manalo? This is a game that there's only ONE WINN...