PHASE 39

5 0 0
                                    

PHASE 39

Nara's POV

Andito ko sa bahay at naghahanda ng dadalhin sa Special Facility mamayang 6PM. Sa totoo lang inaantay kong kontakin ako ni Luhan o pumunta sya. Kaya ko nga nilabas ang kanta na yon para sa sabihin sa kanya na naalala ko ang lahat.

Honestly, I am still wishing na dumating sya hindi para sabihin ang plano nila Kuya sa presentation kundi para umalis na ng tuluyan. Handa na kong iwan ang lahat makasama lang sya.

Tinignan ko muli ang phone ko pero wala talaga syang message. I am sure nahihirapan din sya lalo na ngayon na andoon na pala si Kuya Steven alam kong ayaw nun sa relasyon namin kaya alam kong gagawin nya ang lahat para pigilan si Luhan.

*knock, knock, knock* Napatingin ako sa pinto at pumasok si Kuya JD.

"Nara" tawag ni Kuya, pagkapasok nya sa kwarto ko.

"Kamusta?" tanong nya pa habang nakangiti sa akin. Kaya napangiti rin ako, I love Kuya, but I need Luhan.

"Okay lang, why?" tanong ko lumapit sya sa akin at naupo rin sa kama katabi ko.

"Mabuti naman. Sana matapos na ang lahat no?" sabi nya. Sa totoo lang ngayon na lang ulit kami nakapag-usap ng ganito at hindi ko alam pero parang naiiyak ako.

"Sana nga" alam ko naman na gusto na rin matapos ni Kuya etong pagiging assassin namin and catching the Lee's is his goal all this time pero all this time I can't fully support him.

"When this end gusto ko magfocus sa music like we always dream, I want to share my story through that and at some point, to settle down with Dara" nakangiting sabi ni Kuya dahilan para tumulo ang luha ko shit! Bago pa lumingon si Kuya ay pinunasan ko agad at mukha naman di nya napansin kaya ngumiti ako sa kanya.

"Ikaw? Anong plano mo?" he asks. Plano? How can I even share my plans? Kung ang plano ko ay salungat sa mga plano nya? Maiintindihan nya ba ko kung sabihin kong iba na ang pangarap ko? At hindi na sila kasama sa plano ko?

"Nara" tawag sa akin ni Kuya at halatang nagaantay ng sagot ko kaya ngumiti ako sa kanya bago magsalita.

"Nothing really comes to my mind right now hehe" sabi ko at medyo tumawa mukhang naniwala naman si Kuya dahil ngumiti rin sya.

"Well, you still have a lot of time to think that" sabi nya kaya nagnod lang ako. A lot of time? Then why do I feel like I don't have time left.

"Oh. Sige, magpahinga ka muna. See you later" sabi nya pa at tumayo na at naglakad papalabas.

"Kuya!" tawag ko dahilan para mapahinto sya.

"I love you" sabi ko hindi ko alam pero feel ko lang na dapat ko syang sabihin. Medyo natawa sya na nagulat siguro dahil hindi naman nya usually naririnig sa akin iyon.

"Love you too" sabi nya at bumalik pa para guluhin ang buhok ko tss at tuluyan ng lumabas. Nahiga ako sa kama at sinubukan matulog dahil malamang kapag pumunta na kami sa Special Facility wala ng tulugan ito.

...

"Nara!" napabangon ako sa boses na tumawag sa akin at si Raine iyon tss. Tinignan ko ang oras sa wallclock sa kwarto at 4PM na. Akala ko di ako makakatulog.

"Nakapag-ready ka na ba? Andoon na sila kahalusan sa baba e" sabi ni Raine

"Oo, baba na rin ako" sabi ko kaya lumabas na rin naman si Raine. Hanggang ngayon kinakabahan pa rin ako sa posibleng mangyari, paano kung andoon si Luhan? Aish. Bahala na nga.

LET'S PLAY A GAMEWhere stories live. Discover now