PHASE 36

1 0 0
                                    

PHASE 36

Rio's POV

"Kuya, naririnig mo ba kami?" tanong ni Faye sa kabilang linya.

"Oo naririnig ko" kinakabahang sagot ko dahil ako pa talaga ang napili nila na isabak sa mission na to tss.

"Good" narinig kong sabi ni JD.

"Parang tense na tense ka pre ah, kalma hahaha" natatawang sabi ni Yuri tss.

"Focus, Focus ang tawag pre" sagot ko at narinig ko pang tumawa ang mga mokong sa kabilang linya tsk. Palibhasa wala sila rito ngayon kaya ang lalakas mga mang-asar.

Pagkatapos kasi kahapon ng meeting naka gawa agad ng plano sila JD at Tito Julian para makabalik sya sa mafia world kaya eto kami ngayon papunta sa headquarters ng Dark Society dahil susubukan ni Tito Julian magbalik loob at maging way para mapasok namin ang teritoryo ng mga Lee.

At isa ko sa mga napili nilang magpanggap na tauhan nitong si Tito Julian pati rin sila Seven at Janelle. Nakadiguise pa ako para hindi ako makilala ng kung sino ang makakita sa amin.

"You all have 10 minutes before reaching the destination" sabi ni Dara sa kabilang linya na sigurado kong narinig naming lahat dahil sa suot naming communication devices na nakadisguise as accessories.

Inayos ko na ang pagkakasubit ng baril ko sa may tagiliran at pati na rin ang suot kong neck tie.

"Kapag nakalagpas na tayo sa security nila sigurado kong ligtas tayong makakalabas" sabi ni Tito na nakaupo sa back seat katabi si Janelle.

Napatango lang ako at napatingin sa salamin kung saan nakikita ko sya. Noong mga nakaraan araw ang tingin ko sa kanya ay ordinaryong scientist lang pero ngayon sa itsura at tindig nya mararamdaman mo ang awtoridad sa kanya.

"Isa pa pala, don't talk while were still outside of the headquarters dahil sigurado ko habang nag-aantay tayong papasukin nila they can see and hear us." Sabi pa nya at napatingin ako sa labas at natanaw na ang isang malaking gate at ang mga mataas na pader sa katabi nito. Hininto ni Seven sa harap ng gate ang sasakyan at walang ni isang tao ang makikita mo tanging isang camera lang ang matatanaw sa itaas ng pader na nakatutok sa kung nasaan kami. Siguro ito ang nagmomonitor sa amin habang andito pa kami sa labas.

Maya-maya pa ay may mga lalaking nagsilabasan sa kaliwa't kanan ng kalsada na tila matagal na silang andoon at nagtatago lamang sa likod ng mga puno mapapansin mo rin ang mga naglalakihan baril na hawak nila tsk.

May isang kumatok sa bintana kung nasaan si Seven, kaya mabilis nya itong binuksan.

"Your symbol?" tanong ng lalaki habang masamang nakatingin kay Seven tss.

Inabot ni Tito kay Seven ang symbol nila, isa itong bilog na metal at nakaukit doon ang simbolo nila at tanging bawat Leader ng Mafia Groups lang ang mayroon ganoon dahil ang gumagawa noon ay mismong ang mga Lee's at nalaman lang naming ito kahapon.

Ibinigay naman ni Seven dun sa lalaking maangas at nakita ko na may inilabas ang isa pa nilang kasama na hugis bilog at ipinatong doon nung lalaki ang ibinigay ni Seven. Na sa tingin ko ay isa iyong scanner kung saan malalaman kung totoo ba yun o fake mapapansin mo rin ang kulay pulang umiilaw sa gilid nito, ilang segundo ang itinigal noon hanggang sa nagkulay berde ang ilaw sa gilid nito.

"Thank you, Sir you may enter now" magalang na sabi nung lalaking maangas at binalik ang symbol kay Seven. Kaya isinara na ni Seven ang bintana at nakita ko ang pagbalik ng mga lalaki doon sa mga puno tss.

Bumukas na rin ang gate kaya nakahinga na ko ng maluwag. Pwede na kaya kami magsalita.

"We can talk now" sabi ni Tito.

LET'S PLAY A GAMEWhere stories live. Discover now