PHASE 12

2 1 0
                                    

PHASE 12

"Nara, faster! Late na tayo dahil sa bagal mong kumilos!" aish. Ang atat talaga netong si Kuya JD e. 6:30PM pa lang naman, 7:00PM pa ang start ng dinner.

"Eto na!" sabi ko at dinampot ko na yung sling bag na dadalhin ko. Pagkalabas ko sa kwarto isang nakasimangot at masama ang tingin ang isinalubong sa akin ni Kuya.

"Panget mo Kuya, wag kang gumanyan. Halika na pfft" sabi ko at nauna ng bumaba.

"Tagal-tagal" sabi pa nya ng makasakay na kami sa sasakyan. Hanggang mamaya kita nyo, puro yung kabagalan ko ang babangitin nya.

"Bakit ba kasi ang babagal kumilos ng babae?" tanong nya. Di ko na lang sya sinagot at hinayaan na magsermon.

"Death anniversary ng parents natin di ka man lang nahiya" itinuon ko na lang ang tingin ko sa labas ang ingay kasi ni Kuya parang babae kung makasermon.

"We're here" yan ang huli kong narinig kay Kuya bago kami bumaba ng sasakyan. Sa isang hotel nila Kuya Rio ginanap tong Death anniversary dinner, mahigpit ang security sa buong paligid. Kailangan kasi namin mag-ingat hangga't nasa puder pa namin si Salazar.

Sa isang hall kami dinala nung nagugudide sa amin. Bakit kami sa grand hall dinala? Party ba aattendan namin? Mas nagulat pa ko ng makita ko ang mga taong andoon mukha talaga silang ready magparty.

"Is this a Party?" mataray na tanong ni Kuya pfft. Kitams? Pati sya.

"Nara!" bati sa akin ni Raine. Nakablack dress sya simple lang kumpara sa iba.

"May dress code ba ngayon? Kasi kahalusan nakagown sila e" inosenteng tanong ni Raine.

"They should inform everyone well what kind of gathering is this. Nagmukha tuloy party tsk" naasar na sabi ko.

"Who handled the announcements?" tanong ni Kuya.

"It's in the management of the Kim twins" sagot ni Philip na nasa tabi na rin namin.

"Woah, di naman ako nainform na party pala ito" sabi ni Kuya Rio na kakarating lang. Kami lang ba kasi ang nakakaalam na this is dinner for the Death Anniversary kami lang kasi ang simple at kulay black ang suot.

"Nakakarita tignan" napatingin kami sa babaeng nagsalita at Waahh!

"Ate Dara!" bati ko. Ngumiti naman sya sa akin at niyakap ako.

"Namiss kita" sabi nya pagkabitaw sa pagkakayakap.

"Ako rin" darating pala sya di ko man lang alam.

"Naku, turuan mo na nga ng leksyon yung kambal, Daralina!" sabi ni Kuya Rio kaya nakatanggap sya ng matalim na tingin hahaha. Lakas kasi mang-asar e.

"Ikaw turuan ko ng leksyon dyan e" napatingin ako sa buffet table at doon ko nakita ang may kagagawan ng party na to.

"There, the twins" turo ko sa buffet table. Kaya ayun sila Kuya at Ate nanguna na sa paglalakad.

"Kawawa naman yung kambal" sabi ni Raine habang naglalakad kami, wala pa nga kawawa na agad.

"What is this mess, twins?" bungad na tanong ni Kuya pagkaharap pa lang nila.

"We are very sorry Sir, Mam" sabi ni Serina habang nakayuko ang ulo. Tinignan ko si Seven na parang walang pake sa pagkakamali nila. Napansin nya ang pagtingin ko kaya naman nagpaliwanag agad sya.

"Jiho told us this is a Dinner but he did not mention what kind of dinner so we conclude that maybe this is a Dinner party for getting one of the head of the dark society" paliwanag nya.

LET'S PLAY A GAMEWhere stories live. Discover now