PHASE 3
Demi's POV
"Dito po tayo Mam" sabi nung staff na sumalubong sa akin dito sa studio na pagguguestan ko.
Ilang buwan ko na rin hindi kasama si Faye sa mga lakad ko dahil may special mission sya sa Europe, isa kasi si Faye sa pinaka magaling na hacker at locator namin. Kaya naman kapag big time mafia ang huhulihin, usually sya ang pinapasama sa mga assassin.
Pagkapasok ko sa dressing room may bumati agad na lalaki sa akin kaya napatingin ako sa kanya.
"Hello po Ms. Demi" masiglang bati nya. Ngumiti lang ako sa kanya at naglakad papuntang upuan.
"Sino sya?" bulong ko sa make up artist ko na si Raine at temporary manager dahil nasa mission si Faye.
"Di ko po kilala e" napairap ako sa sagot nya. Aish, bakit ba ang sungit ko ngayon. Nagagaya na ata ako kay Kuya tss.
"Sya ata yung kasama ng kasabay mong guest ngayon" Singit ni Philip kaya napatingin ako sa kanya.
Si Philip sya yung personal guard ko.
"Ah, yung kakadebut pa lang" nag nod naman si Philip sa sinabi ko. Tumingin ako dun sa lalaking bumati sa akin at nakatingin din sya sa akin, kaya ngumiti na lang ako sa kanya. Ang weird nya.
"Ayusan na kita, Nara" tawag sa akin ni Raine nung naayos nya na yung make up sa harap ng salamin kaya pumunta na rin ako dun.
Pagkatapos ng ilang minutong ayusan ay natapos din. Minsan ang hirap din maging babae e. Ang daming ayos tapos parang wala namang nagbago sa itsura mo.
"You should also ask, Ms. Demi. Sa akin ayos lang naman" napatingin ako sa taong nasa pinto at binanggit ang pangalan ko.
Napatingin din sya sa akin kaya nginitian ko sya pero umiwas lang sya ng tingin, suplado.
"Hello po, Ms. Demi" nakangiting bati sa akin nung producer nung show na paguguestan namin.
"Hi" bati ko.
"Ah... Ms pwede po ba kaming magrequest since this is your first time na mag guest dito" ano naman kayang request yan?
"Go ahead" nakagiting kong sabi, wag lang talagang kalokohan yang ipapagawa sa akin ah.
"Kung pwede po sana Mam, mag duet po kayo ni One marami po kasing viewers ang nagrerequest, para raw po kasi kayong male and female version ng isa't-isa" napatingin ako kay One na nag-aayos na.
Kami? Parehas? Sa genre lang naman ng kanta e.
"Ahm. I think okay lang sa akin, I don't know sa kanya" nakangiti kong sabi. Ayoko sana kasi di ko pa naman sya kilala pero ang panget naman kung tatanggihan ko baka sabihin pa nila chossy ako tsaka mukhang ayaw naman nung One, suplado nga e. Kaya sya ang hindi papayag.
"Okay na po Mam kay One, nakausap na po namin sya kanina." Nawala yung ngiti ko dahil sa narinig ko. Pumayag sya?
"Okay na pala, anong kanta naman ang kakantahin namin?" tanong nung One Kaya napatingin ako sa kanya at sya na ngayon ang nakangiti. Aish. Akala ko ayaw nya mukhang gusto nya rin e, malamang sikat ako tapos magduduet kami ang laki ng benefit nya tss.
"Eto oh, tapos pwede na kayong magrehearse may 1-hour pa naman before tayo mag start" inabot ko yung papel na binibigay nya.
"Luh, kanta nyo ni Sir JD" bulong sa akin ni Raine.
YOU ARE READING
LET'S PLAY A GAME
General FictionLET'S START! Life is a game. So, it's Love. Kaya mo bang sumali sa larong ikaw at ang mahal mo ang magkalaban? At ang premyo ay ang sarili mong buhay? O handa kang ibigay ang buhay mo para sya ang manalo? This is a game that there's only ONE WINN...