PHASE 13

2 1 0
                                    


PHASE 13

Nara's POV

Dalawang araw na simula ng makalipas ang nangyari sa hotel at dahil dun lahat kami ay mas naging alerto sa posibleng mangyari.

Nakatriple na rin ang security sa lahat ng Headquarters namin. Pero eto tuloy ang trabaho ko with One.

Dahil kailangan na namin irelease next month ang album.

"I think kailangan pa natin mag-add ng additional voice, para mas mahighlight yung voice ni Demi" Sa totoo lang wala akong ganang magtrabaho ngayon nabobother kasi ako sa posibleng mangyari paano na lang kung biglang magsisugod yung Dark Society? Kaya ba namin?

"Demi!" Napatingin ako kay One na katabi ko na rito sa sofa.

"Ano yun?" tanong ko, kanina lang andun sya sa tabi ni Kuya engineer na nageedit ng kanta namin ngayon andito na.

"I've been calling you several times but you look like in a deep thought ? Are you alright?" tinawag nya ko? Parang wala naman akong narinig.

"Hindi wala naman, ano ba yun?" nakangiting sabi ko. Bakit ba kasi sumasabay tong mafia e. Sakit sa bangs.

"I am suggesting na magadd ng another voice in second stanza of first part, what do you think?" instead na sagutin sya tumayo ako at lumapit para pakinggan kung maganda ba yung suggestion nya.

"hmmm. Oh, yeah that's good idea. Let's do it" sabi ko.

...

"Good work everyone" bati ko sa mga kasama pa namin ni One rito sa studio para sa album.

"Sige uwi na ko" paalam ko at kinuha na ang mga gamit ko. Hindi kasi kami sa Headquarters ng D's Ent. nag-edit dahil nga sa sitwasyon namin ngayon.

"I drop you off if its okay?" napatingin ako kay One na nakatayo di kalayuan sa akin.

"Ahh. No need, I'm okay" nakangiting sagot ko. Pagod na ko at inaantok na pero gusto ko munang dumaan sa special facility andun kasi sila lahat para sa meeting.

Bumaba na ko galing dun sa studio nila One maliit lang yun pero maayos at maganda naman kumpara sa iba.

Paglabas ko ng elevator nagsuot ako ng shades kahit gabi na wala kasi akong panahon maissue ngayon. Dumiretso ko sa parking lot pero habang naglalakad ako unti-unti akong nahilo.

Ilan beses kong pinikit at iniling ang ulo ko pero walang epekto. Unti-unti ng nanghina ang mga binti ko at nagdilim na rin ang paningin ko pero bago ko matumba ng tuluyan may sumalo at may narinig akong boses.

'Sleep for a while, love'

---

"Matigas naman talaga ulo nyan, kapatid mo. Mana sayo" sino ba yung babaeng maingay?

"Ako? tss" bakit parang boses ni Kuya yun. Na saan na ba ko?

"Gising na sya, nakapikit na lang" Eh? Si Faye ba yun?

Napadilat ako ng mata at mukha nga ni Faye ang tumambad sa akin.

"Yah! Bakit andito ka na?!" tanong ko.

"Parang ayaw mo pa ah, kung alam ko lang miss mo na ko" tss makapal pa rin ang mukha.

"Tse" napatingin ako sa paligid at nasa kwarto ako. Bakit parang di ko matandaan na umuwi ako kagabi.

"Nagtataka ka paano ka nakauwi?" sabi ni Ate Dara. Luh, andito pala ang mag-ate kaya pala may maingay akong naririnig kanina.

Tumango lang ako sa tanong ni Ate kaya tumingin sya kay Kuya.

LET'S PLAY A GAMEWhere stories live. Discover now