PHASE 29
Faye's POV
Andito kami ngayon sa hospital, tatlong araw na simula nung nalaman naming nasa hospital si Nara. Ang buong akala namin ay maayos syang makakauwi pero nagulat kami ng may tumawag at sinabing nakaconfine si Nara.
Sinulyapan ko sya at bakas parin ang mga sugat nya pati ang ilang bali sa katawan nya at may tama ng bala sa binti nya. Napakarami rin dugo ang nawala sa kanya kaya hindi matiyak ng mga doctor kung kailan sya gigising.
"She obviously beat up by someone" walang emosyong sabi ni Bob habang nakatingin kay Nara. Simula nung nalaman namin ang nangyari kay Nara, si Kuya JD at Bobby ang pinaka naapektuhan sa lahat.
Puno ng galit ang mga mata nila nung una nilang nakita si Nara na puro sugat at halos mamaga ang buong katawan.
Flashback
"Wala pa ba si Nara?" inip na tanong ni Bob. Andito kami ngayon sa Special Facility dahil may nahuli pala ang Kim twins, bumalik sila kung saan natagpuan ang bangkay nung tauhan ni Torres at saktong pagbalik nila may taong andoon mukhang hinahanap yung namatay nilang kasamahan tss.
"Ano may nalaman ka na ba tungkol sa Gomez na yan?" tanong ni Kuya Darwin na nasa tabi ko rin. Yung nahuli kasi ng Kim Twins ay isa sa mga tauhan ni Gomez.
"I'm trying" sabi ko habang sinusubukan kong kunin ang access sa taong nakuha namin, if tama ako he's not ordinary men of Gomez dahil may special feature ang earrings nya na may symbol ng Gomez.
Once I decode his symbol it will be easy for us to locate Gomez Group. Napangiti ako ng magsimula ng magdecode.
"Mukhang big time ang nabingwit ng kambal ah" sabi ni Kuya Darwin. Kaya nginitian ko lang sya.
Ilang minuto kaming nag intay at
'FAILED DECODING' sabi ni Black.
"WHAT?!" asar na sabi ko at may pinindot pa para umulit pero walang nangyari.
"They cut all his access already" sabi ni Kuya Tobi nakakarating lang dito Black Floor.
"Tsk. Mabilis talaga ang Dark Society pag dating sa ganyan" sabi ni Kuya Darwin sabay kagat sa apple na hawak tss.
...
"Hindi ka pa ba uuwi Bob?" tanong ko dahil wala naman syang ginagawa rito. Sila Kuya Tobi at Darwin kasi umuwi na para magpahinga.
"Nope, intayin ko pa si Nara" sabi nya at nahiga doon sa mini sofa na andito sa Conference room ng Black Floor. Waah inaantok na rin ako.
Napatingin ako sa oras at 2:00 am na pero wala pa rin kaming balita kay Nara. Napagalitan ata ng husto ni Kuya JD. I was about to exit the room para lumipat doon sa sleeping area netong Black floor dahil inaantok na ko, gigisingin ko rin sana si Bob ng biglang malakas na bumukas ang pinto at niluwa nito si Kuya JD. Shit!
"Kuya" napabangon din si Bob, dahil sa aura na meron si Kuya JD.
"Locate Nara's phone, now!" sabi ni Kuya kaya bumalik ako sa upuan ko at sinunod ang utos ni Kuya JD, nawala rin ang antok ko dahil sa pagkagulat kanina.
"This is the location where she last used her phone" sabi ko at zinoom in ang mapa. Naka turn off na kasi ulit yun at ginamit nya ang phone nya kanina pang 9:54 pm.
YOU ARE READING
LET'S PLAY A GAME
قصص عامةLET'S START! Life is a game. So, it's Love. Kaya mo bang sumali sa larong ikaw at ang mahal mo ang magkalaban? At ang premyo ay ang sarili mong buhay? O handa kang ibigay ang buhay mo para sya ang manalo? This is a game that there's only ONE WINN...