PHASE 28

1 0 0
                                        

PHASE 28

Hindi na ko nag dalawang isip at mabilis na bumaba ng kwarto para maghanda sa pagligtas kay Nara. Alam kong hindi ako niloloko ni Salazar dahil I can clearly hear Nara's voice pero how?

Natadyakan ko ang lamesang andito dahil sa galit ko kaya tumumba ito at ang mga nakapatong na baril dito. Mabilis akong naglagay sa bag ng ilang bomba at nagsukbit ng mga baril. I am still trembling dahil sa galit na nararamdam ko.

Paano na lang kung di ko sya mailigtas.

"FUCK!" sigaw ko at sinuntok ang isang glass cabinet na puno ng mga baril at kutsilyo, naramdaman ko na may papalapit sa akin kaya mabilis kong inayos ang sarili ko.

"What is happening, Luhan?" Kuya Steven.

"Wala, I just need to get out to have some air" sabi ko na hindi sya hinaharap dahil hindi ako pupwedeng magsama na kahit na sino. Ako lang ang dapat na pumunta kundi mas lalo malalagay sa panganib si Nara.

"Lalabas lang pero may mga dala kang baril?" narinig ko pang sabi ni Kuya Steven pero wala na akong panahon makipagtalo sa kanya kaya mabilis na kong lumabas at pinaandar ang sasakyan.

Nakita ko pa si Samuel at nagtanong saan ako pupunta pero di ko na rin sya pinansin dahil ano man oras posibleng mawala sa akin si Nara.

Nara's POV

Pinipilit kong tanggalin ang pagkakatali sa kamay ko pero masyadong mahigpit iyon kaya mas lalo lang din ako nasasaktan.

"FUCK" mahinang sabi ko, hindi rin ako makakita ng maayos dahil sa piring sa mga mata ko tanging ilaw at mga shadow lang ang nakikita. Alam kong nakausap na nila si Luhan para pumunta rito pero hindi maganda ang pakiramdam ko sa pagpunta nya alam kong may mas masama pang balak sila Salazar at Torres.

"Na saan na kaya ang boyfriend mo huh? Malapit na mag 12:00 am" tanong ni Torres habang nakahawak sa mukha ko di ko man sya makita ng maayos alam kong napaka panget ng mukha nya.

"Kung ako lang ang tatanungin, papatayin na kita pero malaki rin naman talaga ang silbi mo hahahaha" tawa nya pa. Nanggigigil ako sa kanya makawala lang ako rito hindi ako magdadalawang isip na patayin sya.

Pagkatapos nun ay umalis na rin si Torres at hindi ko alam kung may kasama pa ba ko dito sa kinaroroonan ko. Napaka weak ko naman kasi hindi naman to mangyayari kung nakalaban ako ng maayos.

Flashback

Pagkababa ko ng sasakyan ni Luhan ay tahimik lang akong naglalakad. Kamusta na kaya si Bob? Gusto ko sana sya munang dalawin pero alam kong magagalit lang si Kuya kaya uuwi muna ko. Mga tatlong kanto na lang ang layo ng bahay namin ng may naramdaman akong nakasunod sa akin.

Si Luhan kaya yun? Lumingon ako pero walang tao, may ilang bukas na street lamp pero ang iba pundido na. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad ng maramdaman ko naman na may nakasunod kaya mabilis akong lumingon sa likod at

"Luhan, diba sabi ko wag mun—" nagulat ako ng may humawak sa magkabilang braso ko. Mabilis kong tinadyakan yung nasa kanan ko dahilan para mabitawan nya ko samantalang sinapak ko naman ang nasa kaliwa ko kaya napaatras din sya. I was about to pull my gun out ng may pumukpok sa ulo ko dahilan para mawalan ako ng malay.

...

Pagkagising ko andito na ko at hindi nga ako sigurado kung saan ito. May mga sugat rin ako sa buong katawan at nanghihina dahil sa sunod sunod na tadyak at sapak ang kaninang ginawa nila dahil nagpupumlit akong makawala.

May narinig akong mga yabag papunta sa pwesto ko kaya napaurong ako. Hindi ko alam kung kakayanin ko pa kapag sinaktan na naman nila ko baka tuluyan na kong mawalan ng malay.

LET'S PLAY A GAMEWhere stories live. Discover now