PHASE 26

1 0 0
                                    

PHASE 26

(Timeline: This chapter is continuation of Phase 23)

Nara's POV

Kakatapos lang naming kumain at nasa sala kami para ulit manuod.

"Ano papanuorin natin?" he asks. Ahmm. Ano ba?

"Wala pa ko maisip, magtimpla lang muna ko ng cocoa drink para habang nanunuod tayo tsaka ikaw na mag isip muna" sabi ko at tumayo para magtimpla.

Nagkalkal ako sa ref ng cocoa may nakita ko kanina dito e, kaya nga natakam ako. Nang makuha ko na mga kailangan ko nilapag ko yun dun sa counter ng kusina na nakaharap sa Sala Nakita ko na hindi naman namimili si Luhan ng papanuorin naming instead palipat lipat sya ng channel tss.

May pagkatamad talaga mag-isip itong si Luhan sa mga ganyan hahaha. Nang matapos akong magtimpla naglakad na papuntang sala ng biglang may breaking news.

'Magandang Gabi po, isang aksidente ang nangyari ang ikinasankutang ng sikat na P-pop Idol na si Bobby, batay sa nakalap naming impormasyon nabangga ang sasakyan ng naturang Idol at halos isang oras na ang nakakalipas mula ang aksidente. Sinasabi rin na walang kahit na sinong witness o CCTV man lang sa nasabing pinangyarihan ng insidente, kasalukuyang nasa hospital naman ang bintana. At Hanggang ngayon wala pa rin inilalabas na statement ang D's Entertainment sa naturang aksidente'

'clash, clash'

"Nara!" tawag sa akin ni Luhan at bago pa ko tuluyan matumba ay nahawakan na ko ni Luhan. Nabitawan ko rin ang dalawang basong hawak ko dahilan para mabasag ang mga ito at matapunan ako sa paa.

"Nara, come here! Get to your senses!" sabi ni Luhan habang inaalalayan akong maglakad papuntang sala.

"Si Bob, Luhan. Naaksidente" bakit feeling ko hindi talaga sya na aksidente. Feeling ko may iba pang nangyari sa kanya, hindi naman kasi tanga magdrive yun e.

"Yes, yes, Stop crying. I will know what happened but I will treat you first" sabi ni Luhan at Nawala sa tabi ko. Hindi ko na alam pero naiyak na ko okay lang kaya si Bob, sila Kuya kaya? Tatayo sana ko para kunin ang phone ko pero napigilan ako ni Luhan may mga sinabi pa sya pero hindi ko maintindihan dahil gusto ko lang malaman kung maayos ba si Bob, kung aksidente lang ba talaga o connected sa pagiging assassin namin.

Shit! Napayuko na lang ako at naramdaman ko ang pagyakap sa akin ni Luhan kaya napayakap na rin ako sa kanya.

"He will be okay" narinig kong sinabi ni Luhan pero patuloy pa rin ako sa pag iyak.

"Walang kahit na anong CCTV parang impossible naman yun diba? Baka hindi talaga sya naaksidente yun lang pinapalabas nila" sabi ko. Yun din kasi ang nakukutuban ko ganyan ang ginagawa namin kung sakaling maalala ang nangyari sa namin mula sa missions, kapag injured lang magpapahinga muna o nasa hiatus muna ang isang artists.

Bakit ba ngayon pa nangyari to!

"I know, we will know everything but please calm and look at your feet" sabi ni Luhan ng maghiwalay kami mula sa pagkakayakap at pinunasan nya ang mga luha ko.

Napatingin naman ako sa mga paa ko at may mga paso yun dahil sa pakakabitaw ko kanina dun sa Cocoa na tinimpla ko.

"I'm okay" sabi ko pero ayun si Luhan nasa may paanan ko na at ginagamot yun, nilagyan nya ng benda yung kaliwang paa ko dahil yun talaga ang pinaka naapektuhan pero hanggang ngayon wala akong nararadaman na sakit.

"We will go home now I will call Samuel first" sabi nya pagkatapos gamutin ang paa ko mabilis naman nyang kinuha ang phone nya at bumalik sa tabi ko.

LET'S PLAY A GAMEWhere stories live. Discover now