PHASE 7
"Bakit ka naman kasi nagpakalaglag dun" sabi ni Raine habang nilalagyan ng benda yung paa ko. Di ko na lang sya sinagot dahil alam kong katangahan ko yun.
"Mam tumawag po pala si Sir JD kanina" napatayo ako sa pagkakahiga ng marinig ang pangalan ni Kuya.
"Ano raw?" tanong ko. Yare ako dun pagnalaman tong katangahan ko.
"Tumawag daw po kayo sa kanya" inabot ko agad yung cellphone ko at pinalabas sila Philip at Raine. Naka-ilang inhale-exhale pa ko bago ko tawagan si Kuya.
Nung nagriring na nagcross finger pa ko at inantay na sagutin.
"Kamusta?" parang tumigil yung pag-hinga ko ng marinig ko ang boses ni Kuya, huhu yare na!
"Ayos lang naman Kuya hehe" pinilit kong wag kabahan at maging normal ang boses ko.
"Bakit ka pumayag sa mission na yan?" kalmadong tanong nya pero halata mo naman sa boses ang galit nya aish.
"Ahm. Makakatulong naman kasi talaga to sa paghuli natin sa ibang mafia, lalo na nga sa china" napakagat labi na lang ako dahil alam kong kahit anong sabihin ko papagalitan nya rin naman ako.
"Sana nga Nara because I don't trust that One. Kaya umayos ka" napa-tango na lang ako kahit di nya naman ako nakikita.
"Sige na, aalis na kami. Mag-iingat ka"
"Sige kuya, ikaw rin. Bye!" sabi ko at binaba na ang phone. Buti na lang busy sya kung hindi malamang bukas pa sya matatapos sa kakasermon sa akin.
Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Kuya, inayos ko na yung mga gamit ko babalik na kasi kami ng manila since may mga nasulat na kaming kanta, sisimulan na namin syang irecord.
Ilang minuto pa ang lumipas ay kinatok na ko ni Raine at sinabing aalis na kami. Pagkarating ko sa lobby andoon na rin sila One good thing at wala ng tao doon dahil anong oras na rin.
Nag check-out lang kami at dumiretso na sa mga sasakyan namin.
"Pinagalitan ka ni Sir JD?" tanong ni Raine.
"Hindi, busy e" kaya minsan blessing in disguise din yang pagiging busy na yan e.
Ilang minuto lang nakarating na kami sa airport hindi na naman namin kailangan maghintay dahil naka-private plane kami at nakatulog agad ako pagkatake-off nung eroplano.
...
Dalawang araw na simula nung nakabalik kami at ngayon araw ang unang recording ko with One at kailangan ko na naman pumunta roon sa Main Headquarters.
Pagkarating ko roon ay wala pa si One pero andun na yung arranger para sa album namin. Kaya sabi ko magrerecord na ko para maaga kami matapos. Hindi naman nagtanggal napansin ko na si One na dumating. Nakailang ulit ako ng record dahil hindi ko makuha yung gusto kong boses para sa kanta. Nang matapos ako sa first verse ay lumabas muna ko at naabutan ko si One na nagigitara at kinakanta yung part nya.
"Ikaw na lang mag guide sa akin ah, sanay kasi akong si Samuel ang nagsasabi kong okay na ba yung boses ko o hindi pa" mukha ngang newbie pala sya sa ganitong trabaho, ako kasi o kami nila Kuya kami na ang gumagawa ng lahat, kahit nga sa pag-aarrange kapag may time kami, kami na rin ang gumagawa nun.
"Sige" sabi ko kaya pumasok na sya sa loob at nagstart na magrecord. Sa isang kanta palang inabot na kami ng tanghalian, may mga pinabago pa kasi akong lyrics at may mga pinadagdag pa rin ako.
YOU ARE READING
LET'S PLAY A GAME
Genel KurguLET'S START! Life is a game. So, it's Love. Kaya mo bang sumali sa larong ikaw at ang mahal mo ang magkalaban? At ang premyo ay ang sarili mong buhay? O handa kang ibigay ang buhay mo para sya ang manalo? This is a game that there's only ONE WINN...