PHASE 18

1 0 0
                                    

PHASE 18

Nara's POV

"I like you" sabi ni One. A-ano daw? Ilang segundo lang kaming nakatingin sa isa't-isa hanggang sa nagsalita na ulit sya.

"Nara, I really like you" this time napaiwas na ko ng tingin at yung kabog ng dibdib ko palakas ng palakas na feeling ko maririnig nya na. Ano ba tong nararamdaman ko? Para kong aatakihin?

Ilang minuto ata kaming nanatiling nakaupo lang at damang-dama ko ang tingin nya sa akin kaya di ko magawang lingunin sya kaya para kong tangang palinga-linga.

Hanggang sa naglakas loob na kong tumayo.

"Uwi na ko" sabi ko na hindi man lang sya tinapunan ng tingin at mabilis na kinuha ang bag na dala ko.

"Wait, I drop you off gabi na at wala kang sasakyan dala" sabi nya ng pigilan nya ko. Ilang beses pa kong lumunok at nilakasan ang loob ko para lingunin sya.

Na sana hindi ko na lang ginawa dahil sa paglingon ko.

Naging sigurado ko sa mga nararamdaman ko. I also like him but why?

---

Luhan's POV

Walang kahit isang salitang sinabi si Nara hanggang sa maihatid ko sya sa kanila. Alam ko na nabigla sya sa sinabi ko pero di ko na alam ang gagawin at sasabihin ko kanina.

Alam kong malaki ang chance na iwasan nya ko dahil sa ginawa ko pero huli na para magsisi ako nasabi ko na kaya papanindigan ko na lang.

Pauwi na ko sa condo na tinutuluyan ko ng maka-recieve ako ng message galing kay Samuel.

'Torres is in the Mansion' ano na naman kaya ang kailangan ng matandang to.

Imbis na sa condo ako umuwi sa Mansion ako namin dumiretso at andun nga ang mga tauhan ni Torres.

Nagbigay galang sila sa akin ng madaanan ko sila.

"Nasa office sya" casual na sabi ni Samuel na nakaabang sa akin sa sala kaya mabilis kong tinungo ang opisina.

"Good Evening Mr. Lee" pormal nyang bati at bahagyang yumuko sa akin.

"What now?" I ask ng makaupo ako. Umupo rin naman sya at pinalabas ang iba nyang tauhan kaya tatlo lang kaming andito sa loob kasama si Samuel.

"Salazar, we need to get him now" sabi nya na parang tauhan nya ko tss.

"Are you giving me orders?" walang emosyong tanong ko. Na mabilis nya naman ikinatawa, barilin ko kaya to rito makakatawa pa kaya to psh.

"Of course, not" sabi nya ng tumigil sya sa pagtawa.

"But alam mong hindi naman malayong mangyari na utusan na lang kita" nakangising sabi pa nya.

"Are you trying to pull some joke?" walang ganang tanong ko.

"Hahaha Luhan al--" napatigil sya sa pagsasalita ng tutukan sya ng baril ni Samuel sa ulo.

"Mr. Torres, I would like if you show some respect towards me especially you are inside of my territory" sabi ko. Kung hindi ko lang sya kailangan matagal na syang nakahimlay.

"Now, tell me anong kailangan mo?" dugtong ko pa at sinenyasan na si Samuel na ibaba ang baril.

"Ehem" inayos nya ang sarili nya bago ulit nagsalita ngumiti pa sya ng bahagya na parang inaasar ako.

"We need to get Salazar Mr Lee, kung hindi mapipilitan ako--"

"Mapipilitan na ano? Alisin ang pamilya ko bilang pinuno ng Dark Society?" tanong ko.

LET'S PLAY A GAMEWhere stories live. Discover now