PHASE 2

6 1 0
                                        

Demi/Nara's POV

"Thank you. Guys!" masiglang sabi ni Kuya Tobi at nawala na ang mga ilaw sa stage. Nagsitayuan na rin ang mga nanuod at nagsimula ng umalis.

Tumayo na rin ako at pumunta ng back stage.

"Nara! Let's go!" tawag sa akin ni Kuya J.D ng makita nya ako sa backstage.

"How's our comeback?" tanong ni Kuya Rio.

"Good" walang sigla kong sabi.

"Good lang? Mukhang di ka pa satisfied ah?" dismayang sabi ni Kuya Rio.

"Tama na daldal, Rio. Halika na" aya ni Kuya Yuri.

"Sa akin ka na sumabay, Nara" sabi ni Kuya J.D, ayoko sana kasi alam kong tatanungin nya na naman ako, sa mga nangyari sa akin nung nasa Japan ako.

Si Kuya J.D ay myembro ng sikat na Boy Band sa buong Asia sya ang Leader nito. Kasama nya pa ang apat na myembro nito na sila Kuya Yuri, Kuya Tobi, Kuya Darwin at Kuya Rio. They are also under the D's Entertainment, own by our Family. Kuya J.D is also my brother pero sa father lang, step sister nya lang kasi ako but she treats me like a true little sister.

"Kung hindi mo kayang maging assassin just tell us, kesa yung mapapahamak ka pa" simula ni Kuya nung nakasay na kami sa sasakyan.

"Halos mamatay kami sa pag-aalala sayo nun, you gone for 3 days. And lahat ng concert tour mo ay napost pone because of that" pagpapatuloy nya. Hayy, eto na nga ba sinsabi ko e.

"You can stop right now hindi pa naman huli ang lahat" hindi ko naman ginusto ang mawala nun e.

"Are you listening, Nara!?" napatingin ako kay Kuya na galit na galit na nakatingin sa akin.

"Sorry" nakayuko kong sabi. Minsan talaga ang sungit neto ni Kuya e.

"Nara, look. Alam kong ayaw mong sabihin o ikwento ang mga nangyari sayo sa Japan pero kailangan natin yun, para malaman natin kung sino ba talaga ang mga kumuha sayo"

"I know but not now" sabi ko at umiwas ng tingin.

Pagkatapos nung sermon sa akin ni Kuya ay tumigil na rin naman sya at nakauwi kami ng maayos sa bahay.

Pinadiretso nya na agad ako sa kwarto para raw magpahinga e, sya nga tong mukhang kailangan ng pahinga.

Pagkapasok ko sa kwarto ko agad akong humiga.

'Let's play a game'

Yan lang ang tanging natatandaan ko nung nawala ako sa Japan. May isang taong nagsabi sa akin nyan pero hindi rin malinaw ang itsura nya sa akin. Kaya paano ko sasabihin kay Kuya ang lahat kung wala akong matandaan?

Damn that Game!

---

J.D'S POV

I can sense that something happened na hindi maganda kay Nara when she's in Japan.

1 week before

"1..2..3..4.. Good! Break muna tayo" Rio. Andito kami ngayon sa D's Headquaters, nagpapractice para sa comeback namin.

"Andun na raw ba sila Nara?" tanong ni Yuri.

"Di ko pa alam" sagot ko at kuha ng phone ko sa bag.

"Andun na sila" sabi ko ng makita ko ang text ni Faye sa akin.

"Yown! Wala bang live action dyan?" tanong ni Rio. Siraulo talaga to e.

LET'S PLAY A GAMEWhere stories live. Discover now