PHASE 8

3 1 0
                                        

PHASE 8

Bumababa agad ako ng tumunog at umilaw ang suot kong wrist watch, unlike sa ibang headquarters kapag may nangyaring masama buong building ang nag-aalarm dito sa Main, yung mga wrist watch lang namin dahil kagaya nga ng sinabi ko hindi naman lahat ng andito ay parte ng assassin at mga missions.

Dumiretso na ko sa office ni Tito Henry dahil andoon sila base sa wrist watch ko.

"Na saan na?" narinig kong tanong ni Bobby pagkapasok ko pa lang.

"Sinusubukan pa namin malocate" sagot nung isang nakaharap sa computer Anong nangyayari?

"What's happening?" tanong ko kay Rose na mukhang natetense na rin.

"Ah, kasi ate. Si Ate Faye, natrap sa base nung mga mafias" sabi nya. Lumapit ako kila Bob at mukhang di nila ko napapansin.

"She's hiding now" sagot ni Philip na andoon rin sa isang computer.

"Hanapan nyo sya sa ng exit, ASAP!" utos ni Bobby. Hindi ko alam kung bakit hindi ganun katindi ang nararamdaman kong kaba siguro kasi malaki ang tiwala ko kay Faye na kaya nyang lumabas dyan.

"Nara" napatingin ako kay Bob na mukhang ngayon lang ako napansin.

"Si Faye ..."

"I know, wag kang mag-alala kaya yan ni Faye" nakangiti kong sabi at sinubukan syang pakalmahin.

"Alam ko naman pero baka lang kasi may mangyaring masama sa kanya" nag-aalalang sabi ni Bob. Tinap ko na lang yung likod nya at lumapit doon kay Philip.

"Nakakausap nyo ba si Faye?" tanong ko.

"Through this lang po" sabi nya at turo ng isang conversation sa harap ng monitor.

"Baka po kasi makagawa ng ingay kaya sa ganyan po nakikipagcommunicate si Mam faye" paliwanag pa ni Philip. Nag nod ako sa kanya at inutusan na umalis sya doon at ako ang papalit. Pinaupo nya naman ako at naramdaman ko rin ang pagpunta ni Bob sa likod ko.

'Faye, it's Nara! Wag kang tanga, umalis ka na dyan o gusto mong ako pa mismo ang humatak sayo dyan palabas' alam kong harsh ang sinabi ko pero bestfriend ko si Faye at alam kong encouraging word yang sinabi ko HAHAHA.

"Nara!" narinig kong angal ni Bob.

'Hahaha, Fine. Nag-eenjoy lang naman akong maglibot dito. Sorry sa pagpindot ng emergency button, na abala pa ang napaka busy mong schedule' napangiti naman ako sa nireply nya. See, sa amin lahat na andito ako ang pinaka nakakakilala kay Faye at hindi naman sya ganun kahina para hindi nya kayanin yan.

'Okay, turn to your left then may door dun the password is: 4896, pagkalabas mo dun nasa hallway ka na ng 2nd floor then sa right side may window you can jump there at sa back road na ang labas mo, wag lang tanga sa pagtalon. Mag-ingat ka. I miss you' napasa na rin naman kasi ni Faye sa amin ang blue print nung bahay at nahack nya na yung ibang computers and cctv's inside kaya madali na sa amin ang hanapan sya ng way of exit.

'Thanks. I miss you too, mwah! May regalo pala ko pag-uwi ko' napangiti ulit ako, kapag nasa mission kasi ang isa sa amin napaka-rare na makausap namin ang isa't-isa. Ilang minuto pa ang inantay namin hanggang sa makalabas si Faye sa bahay na yun.

"Hayy! Pasaway talaga yan si Felicita!" natatawang sabi ni Bob natawa rin ako ng tawagin nya sa tunay na pangalan si Faye, kung narinig yun ni Faye malamang nakatanggap sya ng batok.

"Is everything okay?" tanong ni Tito Henry ng makapasok sya sa office nya. Nagsitayuan pa sila at yumuko bilang sign ng paggalang.

"Okay na po" nakangiting sabi ni Bob.

LET'S PLAY A GAMEWhere stories live. Discover now