PHASE 37

1 0 0
                                        


PHASE 37

Faye's POV

"Gomez, message me" sabi ni Tito Julian. Kaya napatingin kaming lahat sa kanya. Andito pa rin kami sa Special Facility dahil naghahanda kami kung sakaling maimbitahan kami sa presentation.

"He wants the details of my past and we are already invited to the presentation" Sabi ni Tito Julian kaya napa-yes naman sila Kuya Rio dahil worth it ang pagpupuyat namin. Napansin ko si Nara dahil sa reaksyon nya na parang natakot na nag-aalala, mabilis nya naman nabago iyon ng mapansin nyang nakatingin ako at bahagyang ngumiti sa akin.

"Are the files ready for Gomez?" tanong ni Kuya JD habang nakatingin kay Kuya Darwin dahil sya ang in charge sa mga falsified files na hinihingi ni Mr. Gomez para sa past ni Tito Julian.

"Syempre. Expert ata kami dyan ni pinsan haha" sabi ni Kuya Darwin at inabot ni Raine ang flashdrive kay Kuya JD.

"All the files also uploaded to internet po; Faye help us para hindi madaling makitang fake ang lahat" sabi pa ni Raine at tumingin sa akin habang nakangiti.

"Good, we should all be ready we only have two days to plan, and we must do all we can and make no mistake, this is our only chance" sabi ni Kuya JD.

---

"Inaantok na ko" narinig kong reklamo ni Bobby habang naghihikab tss.

"Hoy! Tapusin mo muna yan, kailangan ni JD bukas yan" sabi ni Kuya Rio dahil papikit pikit na rin si Bobby.

"Magpabili nga kasi kayo ng kape, baka mamaya lahat tayo abutan ni JD na natutulog rito" sabi ni Kuya Darwin habang nagiinat doon sa gilid.

"Yan si Bobby oh, utusan para magising gising" suhestyon ni Kuya Rio, napahikab na rin ako at napatingin sa oras at 1:00 am na.

"Oo nga Bob, bili ka nga kape" segunda ko dahil baka wala kaming matapos nito.

"Mag-utos na lang kayo ng iba dyan, tinatamad nga ako kumilos rito" reklamo ni Bobby at bumalik sa harap ng computer para ituloy ang ginagawa nya.

"Felici—" Kuya Rio. Napatigil ang pagtawag nya sa akin ng may pumasok rito sa Black Floor.

"Lysa!" bati ko at napatingin kami sa mga dala nya.

"Yown! Perfect timing!" sabi ni Kuya Rio at mabilis na naglakad papunta kay Lysa at kinuha ang mga dalang kape at pagkain.

"Pinasabi rin po pala ni Sir JD na once okay na raw po lahat, pwede ng umuwi at pumunta na lang po ng 6pm dito bukas" sabi ni Lysa at umalis na rin pagkalapag nya pa ng ibang pagkain.

"Kumain muna kayo" aya ni Kuya Darwin kaya lumapit ako sa kanya para kumuha ng pagkain.

"Ahmm. Kuya" tawag ko kaya sabay na napatingin sila Kuya Darwin at Kuya Rio sa akin hehe.

"Tanong ko lang kung pamilyar kayo sa gamot na Four Drug?" tanong ko. Nagkatinginan pa sila Kuya Darwin at Kuya Rio bago sumagot.

"Paano mo nalaman yan?" tanong ni Kuya Rio. Napatingin pa ko kay Kuya Darwin dahil mukhang nagulat din sa tanong ko.

"I saw yesterday in Black files, may pinasend kasi si Kuya JD kaya naopen ko yun hehe nacurious ako e" sabi ko dahil hindi ko rin naman nagets kung para saan yun.

"It's a drug created by the Lee's" sabi ni Kuya Darwin. Nakita ko rin na nasa tabi na ni Kuya Rio si Bobby chismoso din talaga.

"Pero hindi namin alam kung para saan talaga nila ginagamit yan. Since yung purpose ng drug na yan ay makalimutan mo ang mga nangyari sayo for the past 3-5 days but based naman kay Black wala pang tao ang napag-gagamitan neto" sabi ni Kuya Rio at mukhang matagal na nilang alam ang tungkol dito pero hindi nila sinasabi sa amin.

LET'S PLAY A GAMEWhere stories live. Discover now