PHASE 4

2 1 0
                                    

PHASE 4

"Huwaw! Cebuuuuu!" parang tangang sigaw ni Raine ng makababa kami sa kotse. Napatingin tuloy sa kanya ang mga tao aish.

"Let's go" sabi na lang ni Philip. Kaya iniwan na namin si Raine doon na parang tangang aligaga, akala mo first time makapunta rito.

"Maingay pala yung make-up artist mo" komento ni One. Di na lang ako nagsalita dahil totoo naman maingay yung babaeng yun.

Nga pala andito kami ngayon sa Cebu para doon sa sinasabing experience nitong si One, maganda naman ang gusto nyang mangyari kaso hanggang ngayon kasi di ko pa rin nacocontact si Kuya baka mamaya sabihin nun nagwawal-wal na ko ng wala sya. Yari ako!

Nagcheck-in kami sa isang private hotel dito sa cebu tanging mga members lang ng hotel nito ang mga nakakapunta rito. Tsaka isa pa umiiwas din kami sa media nung nakaraan kasi na lunch meeting namin lumabas agad yun sa news at marami na ang nagka-idea na magcocollab kami pero di pa naman namin cinoconfirm since ang balak namin ay surprise etong collab.

Nang makarating ako sa kwarto ko ay napahiga agad ako sa kama, di kasi ako masyadong nakatulog netong mga nakaraan araw e. Di ko rin alam kung bakit. Dapat din magkasama kami ni Raine sa kwarto pero nagrequest ako na wag na ayoko kasi ng maingay. Kailangan ko rin ng pahinga para sa experience na sinasabi ni One.

Nung nag-usap kami 2 days ago napagpsyahan namin na gumawa ng iba't-ibang activities na sa tingin namin makakatulong sa paggawa ng kanta. Sana nga, wala kasi akong gana magsulat ngayon.

...

Nagising ako dahil sa vibrate ng cellphone ko kanina pa. 'Yawn' Kinusot ko pa yung mata ko para makakita ng maayos. Kinuha ko rin yung cellphone ko sa ilalaim ng unan at may 55 messages at 46 missed called na. Aish. Sino kaya to? Bakit ang kulit.

Bubuksan ko pa lang yung cellphone ko ng makarinig ako ng usapan sa labas ng kwarto ko.

"Baka malalim talaga ang tulog kaya hindi magising sabihin mo na lang kay Sir Teddy na bukas nya na kausapin" kung hindi ako nagkakamali si Philip yung nagsasalita.

"Yah! Ikaw kaya kumausap, palibhasa hindi naman ikaw ang mapapagalitan e." pagmamaktol ni Raine. Naiimagine ko rin ang itsura ni Raine habang nagmamaktol malamang naiirita na si Philip di pa naman mahaba ang pasensya nun.

Tinignan ko ang oras sa cellphone ko at 8:00 pm na pala. Naramdaman ko na rin ang pagkulo ng tyan ko. Kaya naglakad na rin ako palabas para kumain.

"Edi ikaw maghintay dyan ako kaka--" naputol yung sinasabi ni Philip ng buksan ko ang pinto.

"Waahh! Nara!" parang tangang sigaw ni Raine. Tinignan ko pa sya ng masama dahil sa nakakahiyang pagsigaw nya pero walang effect psh.

"Tawagan mo si Sir Teddy, kanina ka pa nya gustong kausapin" dugtong nya pa.

"Mamaya pag tapos kong kumain" magsasalita pa sana sya pero napigilan na sya ni Philip.

"Sige po, Mam Demi kumain po muna kayo" nakangiting sabi ni Philip kaya naglakad na ko pababa. Mabuti na lang at andoon si Philip para umawat kay Raine.

Hindi maganda ang gising ko at gutom pa ko kaya madali akong maiirita at alam ni Philip kung paano ko mawalan ng pasensya.

Mahaba naman ang pasensya ko wag mo lang talaga gagawin ang mga kinaiinisan ko o kaya wag ng sumabay sa init ng ulo ko. Pagkababa ko dumiretso agad ako sa buffet para kumain. Mabuti na lang at walang tao ang andoon as in mag-isa lang ako at mga staffs lang ng hotel ang andoon.

Binati pa nila ako kaya nginitian ko lang sila. Pagkakuha ko ng pagkain medyo nailang ako dahil wala talaga kong kasabay ang lungkot naman. Bakit kaya walang tao? Tapos na ba silang kumain lahat?

LET'S PLAY A GAMEWhere stories live. Discover now