PHASE 32
Bobby's POV
Apat na araw na ang nakakalipas simula nung nagising si Nara at hanggang ngayon wala syang ibang nakakausap kung hindi ako, si Kuya JD at ang Tito Julian nya na ngayon ko lang nakilala I mean noon kasi pinakuha lang sya sa amin ni Kuya JD, di pa naming alam ni Kuya Yuri noon kung sino sya.
"Tito, saan ba pumunta si Kuya?" tanong ni Nara habang kumakain ng apple.
"May inasikaso lang yun, bakit may kailangan ka ba?" tanong ni Tito Julian.
"Wala naman, nagtataka lang ako kasi bukod sa inyo at tauhan ni Kuya JD lang ang dumadalaw sa akin" sabi ni Nara at tumingin sa akin kaya nagshrug lang ako dahil di ko naman pupwedeng sabihin sa kanya na ayaw ni Kuya JD na may ibang kakausap sa kanya bukod sa amin dahil sa nangyari sa kanya.
"Baka busy lang sila kaya di pa sila nakakadalaw" sagot ni Tito Julian. Mukha naman naniwala si Nara dahil di na ulit sya nagtanong pinagpatuloy nya na lang ang pagkain nya ng prutas.
Sa apat na araw na pagbabantay namin kay Nara, ni isa wala syang binabanggit sa nangyari sa kanya. Hindi rin sya nagtatanong kung bakit sya andito sa hospital.
Nung nabanggit ko si One nung nagising sya, hindi nya kilala to at ako ang akala nyang kacollab at katrabaho nya sa lahat ng memories nya at hindi ang One na yun.
Its like One never existed in her life.
Sinabi sa amin ng doctor na posibleng hindi lang selective amnesia ang nangyayari kay Nara, possibly someone hypnotizing her and forget certain person.
Kaya naman si Kuya JD, galit na galit nung nalaman dahil sinabi rin ng doctor kung matagal ng nangyayari kay Nara ang paghy-hypnotize para makalimot posibleng malapit' kay Nara ang gumagawa nun dahil pumapayag sya.
"Oo nga pala, kamusta na sa Special Facility andun pa ba si Salazar?" napatingin ako kay Nara at nakatingin nga rin sya sa akin. Jusko, ano isasagot ko sa kanya, nalaman ko rin kasi kay Kuya JD na patay na si Salazar at Torres nung gabi na Nawala si Nara at sinisi kami ng buong mafia sa nangyari.
"Take care yourself first, don't worry about others" napatingin kami lahat sa pumasok its Kuya JD. Woah, buti na lang dumating agad si Kuya hehehe.
Kilala kasi ako ni Nara kaya hirap akong magsinungalin sa kanya dahil nalalaman agad nya.
"Gusto ko lang naman malaman, ilang araw na rin akong andito sa hospital at puro kayo lang nakakausap ko" malungkot na sabi ni Nara habang nakatingin kay Kuya JD.
"They are on their way here" sabi ni Kuya JD at naupo sa tabi ko. Nakita ko naman na ngumiti na si Nara dahil sa sinabi ni Kuya JD.
"JD and Bobby kayo na bahala kay Nara, alis na ko. Nara, pagaling ka ha" sabi ni Tito Julian at tumayo roon sa upuan katabi ng kama ni Nara, humalik pa sya sa noo ni Nara bago tuluyan umalis.
"Sino ang pupunta kuya?" tanong ni Nara nung lumipat ng upuan si Kuya JD doon sa kaninang inuupuan ni Tito Julian.
"Sila Faye and Black Army" sabi ni Kuya JD habang nagbabalat ng saging at pagkatapos ay inabot nya kay Nara.
"Kuya, kaka-kain ko lang kay Bob mo na ipakain yan" iritang sabi ni Nara habang hinahawi nya yung saging at nakatingin sa akin, takte ako pa naturo kumain di naman ako mahilig sa saging.
"Tss, arte mo" sabi ni Kuya JD at inilapag yung saging doon sa plato sa beside table ng kama ni Nara.
"Saan na ba sila Kuya, matagal pa ba?" inip na tanong ni Nara.
YOU ARE READING
LET'S PLAY A GAME
Fiksi UmumLET'S START! Life is a game. So, it's Love. Kaya mo bang sumali sa larong ikaw at ang mahal mo ang magkalaban? At ang premyo ay ang sarili mong buhay? O handa kang ibigay ang buhay mo para sya ang manalo? This is a game that there's only ONE WINN...
