PHASE 10

4 1 0
                                        

PHASE 10

"What the hell you are thinking, Nara" tanong ni Kuya ng napagtanto nyang andito talaga ko.

"I just want to see you" sagot ko. Nakita ko naman na nagpaalam na lalabas sila Kuya Tobi at Yuri, gusto ko sana silang pigilan pero masama ang tingin sa akin ni Kuya kaya di ko na lang ginawa.

"Sit down" sabi ni Kuya habang nakatingin sa upuan na malapit sa kama nya. Kung yung labas mukhang hotel etong kwarto naman ni Kuya pang hospital na pang hospital. Kaya feeling ko property to ng Entertainment dito sa Thailand.

"Sinong may sabi sayo na pwedeng mong gawin ang lahat ng gusto mo Nara" napayuko ako sa sinabi ni Kuya nakakatakot din kasi yung tingin nya.

"Nag-aalala lang naman ako sayo, kaya ako andito" nung sinabi kasi kanina ni Philip na nabaril si Kuya parang nablank yung isip ko at isa lang gusto kong gawin makita at masiguradong okay sya.

"You think hindi ko kaya ang sarili ko" tanong nya. Inangat ko na ang ulo ko at tinignan sya. Hindi naman kasi ganun yun e.

"Ofcourse I know you can take care yourself but natakot lang naman ako paano kung namatay ka talaga, malapit pa naman na ang death anniversary nila Mommy at Daddy baka mamaya namiss mo na sila at gusto mo na silang makita" sabi ko. Next week na kasi ang death anniversary nila kaya natakot ako baka mamaya sinadya nyang magpabaril para mamatay na sya.

"Pftt" napakunot ang noo ko dahil sa pagpipigil ng tawa ni Kuya. Anong nakakatawa sa sinabi ko psh.

"You really think I will leave you" umpisa nya at umayos ng pagkakaupo.

"Ikaw iiwan ko? Tss, Takot ko lang no. Baka mamaya ikaw pa maging dahilan ng pagkabagsak ng pamilya natin sa pagiging assassin pag ikaw ang namuno" napasimangot ako sa sinabi ni Kuya. Ang harsh nun ah, alam ko naman na hindi ako kasing galing at talino nya pero sabi kaya nila sa akin may potential kaya na maging magaling akong leader.

"Joke lang, pero seryoso. I will not leave you not until you can handle youself well at marami ka pang dapat matutunan. Isa pa bata pa ko at marami pa kong gustong gawin" nakangiting sabi ni Kuya kaya nguniti rin ako sa kanya.

"Sorry na" sabi ko at niyakap si Kuya hindi naman sya umangal at hinayaan na yakapin sya. Waah, namiss ko to. Ilang buwan din kaming di nagkita ni Kuya e.

"Bakit ka ba kasi nagpabaril?" tanong ko ng bumalik ako sa pagkakaupo.

"I save Yuri" sabi nya. Napatango na lang ako, mukha kasing ayaw nyang idiscuss yung buong nangyari e.

"Aww!" sabi ko ng pitikin ako ni Kuya sa noo. Ano na naman bang trip nito?

"Akala mo nakakalimutan ko na ang kasalanan mo" sabi nya. Kasalanan? Wala naman akong kasalanan ah.

"Anong kasalanan ko wala naman akong maalala na ginawa ko ah" sabi ko.

"The collaboration!" galit na sabi nya. Yah, akala ko naman okay na yun di pa rin pala.

"It's not me, si Kuya Teddy kaya yun" totoo naman ah. Si Kuya Teddy naman talaga yung pumilit sa akin e.

"You can say NO to that Nara, alam mo yan!" sabi nya. Napayuko na lang ulit ako dahil tama naman sya.

"If that plan will fail, you are the only one who is responsible" banta pa sa akin ni Kuya. Grabe talaga to sa akin e, parang di ako kapatid.

"Okay po" sabi ko na lang. Since wala naman silbi kahit na sabihin kong malaking tulong yun alam kong ayaw nya sa plano kaya di ko sya mapipilit.

LET'S PLAY A GAMEWhere stories live. Discover now